Ryan ayaw na uling makalaban si Judy Ann
Usap-usapan sa showbiz ang pagbabalik ng TaÂlenÂÂtadong Pinoy sa TV5 pero ayon kay Ryan AgonÂcillo na host nito, wala pa raw kasiÂguraduhan ang lahat though inamin naman niyang nakipag-meeting sila ng manager na si Noel Ferrer sa management.
“Oh, we had a fruitful talk,†say niya nang makaÂusap namin sa presscon ng Ismol FaÂmily na bagong sitcom niya sa GMA 7.
“I spoke with Ma’am Wilma [Galvante] and Noel Lorenzana, maganda ang naging usapan. Actually, better than expected.
“Nagtanong sila, ano ba ang mga kailangang ingredients ng Talentadong Pinoy sa pagbabalik, nakinig silang mabuti. As far as I’m concerned, it’s a matter of meeting expectations.
“Pero alam ko, nag-usap na rin sila ni Direk Rich Ilustre and I think, they need to iron out some things muna bago tuluyang bumalik ang Talentadong Pinoy sa ere.â€
Pero kung sakali ngang babalik ang Talentadong Pinoy, magkakaroon ng malaking problema ang aktor/TV host kung sakaling ma-extend ang show niyang Picture! Picture! na umeere ng Sunday.
Pagbibiro ni Ryan, “ang yabang ng problema, ano?â€
Pero aniya, hindi pa nga raw niya alam kung siya ba ulit ang kukuning host ng Talentadong Pinoy. But if ever na magkakaroon ng conflict, tiyak daw na mahirap na desisyon ito at parang pinapipili siya between Johan and Lucho, ganu’ng level.
If ever, matter of time management lang naman daw at tamang pag-uusap. Pero isa lang ang tiyak ‘pag parehong nag-materialize – matutuwa raw ang misis niyang si Judy Ann Santos dahil lalaki ang entrega niya.
Speaking of Juday, nabanggit ni Ryan na ayaw na raw nila sanang magkatapat ulit ang kani-kanilang shows tulad ng nangyari sa Bet on Your Baby at Picture! Picture!
“One thing that Judy Ann and I promised to each other is baka hindi na kami magkatapat ever. It was just one time, you do it once and that’s it.
“It was a beautiful rivalry, hindi nga rivalry, it was a beautiful competition but in the end nga, ayaw namin na parang. . .iniisip namin ni Juday, parang sa ganda ng naipakita naman namin sa mga katrabaho namin, sana, hindi na kami i-involve sa gyerahan ng mga network.
“Although I wanna be a good soldier, and ‘yung show ko, papagandahin ko, my wife does the same also. Kaya ayaw naming maging good soldier at the expense of each other.â€
Hindi naman daw sila apektadong dalawa during those times na magkatapat sila pero ayaw na raw nilang i-push pa ito.
Tungkol naman sa sitcom niyang Ismol Family, masaya siya na may bago na naman siyang show sa Kapuso.
Of course, nandiyan pa rin ang noontime show niyang Eat Bulaga.
Annabelle payag kahit hindi na Milyonaryo ang bf ni Ruffa basta hindi nambubugbog
Sa baptismal and first birthday party ni Zion Gutierrez last Sunday ay may foreigner na buntot nang buntot kay Ruffa Gutierrez at kamukhang-kamukha siya ni Yilmaz Bektas, sa totoo lang. Sa biglang tingin nga, iisipin mong dumating ang dating asawa ng aktres.
Pero say ng ina ni Ruffa na si Annabelle Rama, bagong admirer daw ‘yun ng unica hija niya. Jordan ang name nito at nagkakilala ang dalawa sa Singapore nang magpunta sila roon for It Takes Gutz to be a Gutierrez.
Ininterbyu nga raw niya ang guy that time. Nalaman niyang taga-Paris ito.
“Nung nagpunta sa banyo si Ruffa, ininterbyu ko. Sabi ko, ‘how come you’re here in Singapore?’ Sabi niya, “because I have lots of friends here.†Sabi ko, ‘how come you’re with Ruffa?’ Sabi niya, ‘Ruffa is my friend’. Tinanong ko, ‘where are you from?’ Sabi niya, from Paris. Dumating na si Ruffa kaya wala na,†kwento ni tita Annabelle.
Kamukha raw talaga ni Yilmaz ang guy at pati kumilos ay Yilmaz na Yilmaz din. Kaya biro nga namin, baka ma-in-love rin si Ruffa sa bagong admirer niyang ito.
“Businessman siya, Mukhang mabait naman, interbyuhin nyo, sasagot siya. Mabait naman siya, hindi naman niya alam na reporÂters kayo, tanung-tanungin n’yo lang,†say pa ni Bisaya.
Okay ba sa kanya na magkaroon ng boyfriend ulit si Ruffa?
“Kung right man for her, okay lang sa akin. Kung tama ‘yung lalaki na susuporta sa kanya, sa mga anak niya, may trabaho, Hindi naman kailangang milyonaryo.
“Dati, milyonaryo ang hangad ko, eh nung nagulpi-gulpi siya, sabi ko, hindi na kailangan ‘yun, basta may trabaho na lang, okay na sa akin. Mahirap mangarap, ‘di ba?†say pa ng Gutierrez matriarch.
- Latest























