^

PSN Showbiz

Marunong mag-budget, Ryan may oras kahit sa alagang aso

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Gaano man ka-busy si Ryan Agoncillo sa kanyang trabaho, he makes it a point na may panahon siya sa kanyang pamilya, sa kanyang asawang si Judy Ann Santos at sa kanilang dalawang anak na sina Yohan at Lucho. Maging sa mga alagang aso ni Ryan ay may panahon umano siya.

“It’s just a matter of budgeting your time,” pahayag nito sa presscon ng kanyang upcoming sitcom with Carla Abellana sa bakuran ng GMA, ang Ismol Family.

Pareho sila ng misis niyang si Juday na working parents pero kahit kelan ay hindi umano sila nagkukulang ng oras para sa isa’t isa at sa kanilang mga anak.

Dalawa lamang sila ng kanyang kapatid kaya kung sila ni Juday ang masusunod, gusto pa umano nila ng dalawang anak.

Maganda pareho ang takbo ng respective careers nina Ryan at Juday at maging ng kanilang pagsasama at very supportive rin ang kanilang respective families sa kanila.

Last Sunday, magkakasama ang pamilya Agoncillo at Santos dahil sama-sama nilang isinelebryt ang Father’s Day sa kanilang bahay.

Samantala, halatang gustung-gusto ni Ryan ang kanyang kakaibang game show na Picture! Picture na papalitan ng kanyang sitcom na Ismol Family. Kung siya lamang ang masusunod, gusto niyang ipagpatuloy ang programa na kakaiba at orihinal ang konsepto.

Panay ang biro at parinig ni Ryan sa mga lady bosses ng GMA na sana’y ituloy ang kanyang Picture! Picture!

vuukle comment

AGONCILLO

CARLA ABELLANA

ISMOL FAMILY

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KANYANG

LAST SUNDAY

RYAN

RYAN AGONCILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with