^

PSN Showbiz

Dingdong hangang-hanga sa paggiling ni Marian

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Dream come true para sa GMA Primetime Queen na si Ma­rian Rivera ang pagkakaroon niya ng sariling dance show, ang Marian at makasama sa kanyang pilot episode ang dalawang tinitingala sa industriya, ang Star for All Seasons at governor ng Batangas na si Gov. Vilma Santos at ang Diamond Star na si Maricel Soriano na hindi lamang award-winning actresses kundi mahuhusay na TV hosts at dancers.

Natutuwa si Marian dahil sa simula pa lamang ng kanyang show ay dalawang bi­gating personalidad kaagad ang kanyang naging special guests.

Kakaibang excitement ang nadarama ngayon ni Marian dahil sa kanyang kakaibang show na matagal na niyang pinapangarap na magkaroon.

Kung masaya si Marian sa kanyang bagong week­­ly dance show na malapit nang magsimula, proud naman sa kanya ang nobyong si Dingdong Dan­tes, who himself is also a good dan­cer. 

For sure, isa sa mga future episodes ng Marian ay magiging special guest dancer-performer ni Marian ang kanyang boyfriend.

Although dance show ang kapalit na programa ni Marian sa kanyang nagtapos na seryeng Carmela, babalikan din ni Marian ang isang bagong teleserye sometime in September this year.

Mark Gil masaya sa pagiging ‘bading’ ng anak!

Masaya at kuntento na si Gabby Eigenmann sa mga support roles na ipinagkakatiwala sa kanya ng GMA hanggang dumating ang hindi niya inaasahang title role na Dading kung saan siya gumaganap sa papel ng isang amang bading at magsisimulang mapanood sa ere ngayong June 23. 

Kasama ni Gabby sa bago niyang serye sina Benjamin Alves, Glaiza de Castro, Gardo Versoza, Toby Alejar, Mymy Davao, Shara Mae Diligero, at iba pa mula sa direksiyon ng actor-director na si Ricky Davao.

Natutuwa siyempre ang ama ni Gabby na si Mark Gil sa magandang break na ibinigay ng GMA sa kanyang anak.

Wala namang magiging alinlangan sa husay na aktor ni Gabby lalupa’t nagmula siya sa angkan ng mga kilala at mahuhusay na actors tulad na lamang ng kanyang amang si Mark Gil, tiyuhing si Michael de Mesa, tiyahing sina Cherie Gil at Gina Alajar, kapatid na si Sid Lucero at iba pa niyang mga pinsan.

vuukle comment

ALL SEASONS

BENJAMIN ALVES

CHERIE GIL

DIAMOND STAR

DINGDONG DAN

GABBY EIGENMANN

KANYANG

MARIAN

MARK GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with