^

Pang Movies

Nora hindi pa tinatanggap ang paliwanag ni Coco

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kinumpirma nga ni Superstar Nora Aunor na may malaking tampo siya kay Coco Martin. Magkasama ang dalawa sa indie film na Padre de Familia.

Ang pinagmulan ng tampo ni Ate Guy kay Coco ay ang kumalat na balitang humihingi siya ng financial help mula sa aktor.

Pinabulaanan ni Ate Guy ang naturang balita pero nagtaka ang aktres kung bakit hindi raw ito dini-deny ni Coco.

Ilang beses na raw siyang nagpadala ng text message kay Coco tungkol sa kumalat na balita at nakiusap na klaruhin ito ng aktor.

 â€œAyoko na sanang sagutin ‘yan kasi ayoko nang lumala ang isyu na ‘yan.

 â€œPero totoo po ‘yon na may nangyari na nag-text ako sa kanya dahil nga dun sa nabalitaan kong kesyo siya raw ang nagbabayad ng condo ko. Tapos naubos daw yung kanyang bank book dahil sa kahihingi ko ng pera sa kanya na siguro naman ay hindi totoo.

 â€œAng gusto ko lang naman sa kanya ay ilinaw na mali naman ‘yung sinasabi ng iba.

 â€œHinihintay ko sanang siya ang tumawag kasi hindi ko naman alam kung natatanggap niya ang texts ko kasi nagtawagan na kami minsan, eh,” diin pa ni Ate Guy.

Pagkatapos ng ilang araw ay nagbigay na ng sagot si Coco. Pinabulanaan nga nito na walang utang sa kanya si Ate Guy. Nag-sorry daw si Coco kay Ate Guy sa pamamagitan ng isang mahabang text message.

 â€œAlam ko nagtatampo siya sa akin. Hindi ako papayag na hindi ko nakaklaro at hindi ko nalilinis kung sino man ‘yung taong ‘yun na sumulat para siraan siya,” sey pa ni Coco.

Hinihintay na lang ang magiging sagot ni Ate Guy sa pag-sorry na ito ni Coco.

Pero knowing Ate Guy, hindi ito nagtatanim ng galit sa kahit kanino man at nasabi rin niya na parang isa sa mga anak niya ang turing kay Coco kaya malamang ay matatanggap agad ni Ate Guy ang paghingi ng sorry ng aktor sa kanya.

 

Gustong matawag na hunk balladeer, singer naghubad na rin!

     Ready nang magpakita ng kanyang pinaghirapang katawan ang Pinoy Pop Superstar winner na si Gerald Santos.

Mangyayari nga raw ito sa kanyang magiging concert sa SM City North EDSA Skydome on June 28 titled It’s Time.

May mga lumabas nang posters ang concert ni Gerald at topless siya at pinapakita ang kanyang mga abs.

 â€œHindi naman ako bumabata, kaya siguro naman puwede na akong magpa-sexy. Dapat na malaman ng mga tao na inside and out nagma-mature na ako. 

 â€œTapos ‘yung sinasabi ko ring maturity ay yung ready na akong magpakita ng katawan ko sa concert ko. Kung mapapansin n’yo ‘yung poster ng concert ko kita na ‘yung katawan ko, ‘yun ‘yung isang bago sa akin.

“Mas maganda na sigurong itawag sa akin after ng concert ko na hunk/balladeer,” sey pa ni Gerald.

     Six months nga raw nagpakahirap sa gym si Ge­rald para ma-achieve niya ang katawan niya ngayon.

 

Ngayon lang nagsalita; Pamela, minolestiya ng babysitter at ginahasa noong 12 years pa lang

Nagsalita na nga ang sexy Hollywood actress na si Pamela Anderson tungkol sa kanyang traumatic childhood experience sa launch ng kanyang The Pamela Anderson Foundation.

Kinuwento ng dating star sa hit series na Baywatch na minolestya siya sa edad na 6 at noong 12-years old ay ginahasa siya.

“I did not have an easy childhood. Despite loving pa­rents, I was molested from age six by a female babysitter,” pag-amin pa ng 46-year-old star.

Ginahasa naman daw siya ng isang 25-year old man noong dose anyos lang siya.

“I went to a friend’s boyfriend’s house and his older brother decided to teach me backgammon, which led into a back massage, which led into rape. He was 25 years old and I was 12.

“After that, a boyfriend decided it would be funny to gang-rape me with six friends. I wanted off this earth,” patuloy na kuwento pa niya.

Ang pagmamahal ni Pam sa mga hayop ang na­ging paraan para magamot ang anumang trauma niya noong kabataan niya.

“My affinity with animals saved me, they came to me naturally. The trees spoke to me. I wasn’t sure why I was alive – a burning question, a quest.

“My loyalty remained with the animal kingdom. I vowed to protect them and only them. I prayed to the whales with my feet in the ocean, my only real friends until I had children.

“My speech at launch of my Namesake foundation. I want people to know - they can overcome and prosper with love.”

vuukle comment

ATE

ATE GUY

COCO

GUY

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with