^

PSN Palaro

Adamson, FEU magpapatayan para sa huling Finals slot

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

4 p.m.  Adamson vs FEU

 

MANILA, Philippines - Sino sa Adamson Lady Falcons at  FEU Lady Tamaraws ang siyang makakatuos ng nagdedepensang kampeon National University Lady Bulldogs para sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference?

Masasagot ang katanu­ngang ito matapos ang ikaw-o-ako na tagisan ng dalawang nabanggit na koponan na magsisimula sa ganap na alas-4 ng hapon sa The Arena sa San Juan City.

Naitakda ang sudden death na ito nang manalo ang Lady Tamaraws sa Lady Falcons, 25-22, 25-23, 26-24, noong Martes para magtabla ang dalawa sa 1-1 sa best-of-three series sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Puso at determinasyon ang siyang kailangang ilabas ng mga manlalaro ng dalawang koponan dahil balansiyado ang lakas ng FEU at Adamson.

Ang mga guest pla­yers na sina Rachelle Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga ay makikipagtulungan uli kina Bernadette Pons at Mary Joy Palma para mara­ting ang Finals kahit natalo sa unang laro.

Nagsanib ang apat na ito sa 54 puntos at sina Da­quis at Gonzaga ay may 14 at 10 kills habang si Pons ay may tatlong blocks at tatlong service aces.

May dalawang blocks pa si Gonzaga para bigyan ng 10-5 bentahe ang koponan sa nasabing departamento.

Sa kabilang banda, sina Shiela Pineda, Pau Soriano at Pacharee Sangmuang ang mga mamumuno sa Lady Falcons para umusad sa championship round sa ligang may suporta pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Sina Pineda at Sangmuang ay nagsanib sa 27 hits sa Game Two na mababa kumpara sa 44 hits sa unang pagkikita na naipanalo ng Lady Falcons sa limang sets.

Ang NU ay umabante na sa Finals na inilagay sa best-of-three series at magsisimula sa Linggo matapos walisin ang UST Tigresses sa kanilang labanan.

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON LADY FALCONS

BERNADETTE PONS

FIRST CONFERENCE

GAME TWO

GONZAGA

LADY FALCONS

LADY TAMARAWS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with