El Niño alert: Malacañang handa
MANILA, Philippines - Nakahanda ang gobyerno sa magiging epekto ng pinaÂngangambahang tag-tuyot o El Ninño phenomenon na tatama sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr., nakalatag na ang mga programa at napaghandaan ng kasalukuyang administrasyon ang paparating na problema.
Sabi ni Coloma, palaging kasama sa pagbuo ng national budget ang paglalaan ng pondo para sa mga prayoridad ng gobyerno partikular ang Philippine Development Plan kung saan kasama ang sa climate change.
Inaasahang mararanasan ang El Nino phenomenon sa bansa sa pagpasok ng Hunyo na tatagal hanggang katapusan ng taon.
Magpapatawag naman si Sen. Loren Legarda ng public hearing upang mabusisi at malaman kung sapat ba ang paghahanda ng pamahalaan sa inaasahang mahabang tag-tuyot na maaring makaapekto sa sektor ng agrikultura at sa produktong pagkain sa bansa.
Sabi ni Legarda, chairman ng Senate committee on climate change, ilan sa mga dapat na ginagawa bilang paghahanda ay ang pagpapatupad ng water catchment basins o pag-iipon ng mga tubig ulan, pag-recycle at reuse ng tubig.
Dapat din aniyang mabigyan ng proteksiyon ang mga watershed at maipagpatuloy ang pagtatanim ng mga punong kahoy.
Naniniwala si Legarda na hindi dapat balewalain ang El Niño phenomenon dahil maaapektuhan nito hindi lamang ang produksiyon ng pagkain ng bansa kundi maging ang ekonomiya.
- Latest