San Mig Coffee nakatabla; Talk ‘N Text asam ang Finals
MANILA, Philippines - Nag-init sa second period, hindi na hinayaan ng San Mig Coffee na makabangon ang Air21 para kunin ang 82-75 panalo sa Game Two ng kanilang semifinals series sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart AraÂneta Coliseum.
Mula sa 25-27 pagkakaiwan ay rumatsada ang MiÂxers sa second quarter para kunin ang isang 16-point lead, 50-34, sa halftime at itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-five semifinals showdown ng Express.
Ipinoste ng San Mig Coffee ang pinakamalaki nilang bentahe sa 77-57 sa kaagahan ng fourth quarter bago nakalapit ang Air21 sa 70-77 sa 6:55 nito.
Kumamada si import James Mays ng 25 points para sa Mixers kasunod ang 13 ni PJ Simon.
Samantala, nasa mga kamay naman ng Talk ‘N Text ang pagkakataon para walisin ang Rain or Shine sa kaÂnilang semifinals duel at makapasok sa best-of-five championship series.
Tangan ang 2-0 bentahe, lalabanan ng Tropang TexÂters ang Elasto Painters sa krusyal na Game Three ngayong alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Binigo ng Talk ‘N Text, asam ang kanilang ikalawang finals appearance matapos pagharian ang 2013 PBA Philippine Cup, ang Rain or Shine sa Game One, 91-85, at Game Two, 94-87.
“We knew the goal in mind which is to make it to the championship (series), and that’s what we trying to accomplish right now.†sabi ni coach Norman Black.
Hindi nakapaglaro para sa Elasto Painters si import Wayne Chism sa second half matapos magkaroon ng knee injury sa second quarter.
Wala rin sa Game Two ang mga may injury na sina JR Quiñahan, Chris Tiu at Jervy Cruz, nagkaroon ng MCL (medial collateral ligament) sprain sa kanyang kanang tuÂhod sa kanilang team practice noong Martes.
- Latest