^

Police Metro

Kinalasan ng nobya... sawi sa pag-ibig nilundag ang kamatayan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi umano matanggap ng isang 19-anyos na 3rd year college student ng  PATTS College of Aeronautics ang ginawang pagkalas sa kanya ng nobya kung kaya’t nagawa nitong tapusin ang buhay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa 11-palapag ng inuupahan nitong condominium kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa San Juan De Dios Hospital ay kinilalang si Carlo Feliciano, nangu­ngupahan sa Chauteu Bay Tower, na matatagpuan sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Barangay Bac­laran ng lungsod.

Sa imbestigasyon ng  pulisya, dakong alas-7:00 ng umaga nang tumalon ang biktima mula sa ika-11 palapag ng naturang condo­minium.

Ayon sa ulat, bago tumalon ang biktima ay nagpunta ito sa kanilang terrace para manigarilyo habang abala naman ang ina nitong si Chona, 40 na nagluluto ng kanilang almusal.

Ilang sandali ay bigla na lamang lumundag ang biktima mula sa kanilang terrace at lumagapak sa kalsada.

Nabatid,  na nakipagkalas umano sa biktima ang nobya nito na hindi na binanggit ang pangalan.

Lumalabas din na dalawang beses nang nagtangkang magpatiwakal ang biktima at sa  ikatlong pagkakataon ay natuluyan ito.

Hinala ng pulisya na posibleng hindi nakayanan ng biktima ang ginawang pagkalas ng nobya.

vuukle comment

AYON

BARANGAY BAC

BIKTIMA

CARLO FELICIANO

CHAUTEU BAY TOWER

COLLEGE OF AERONAUTICS

ROXAS BOULEVARD

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with