Yasmien may bukol sa lalamunan kaya laging walang boses, kailangang-kailangang operahan
Napaiyak si Yasmien Kurdi, hindi sa hirap ng role na ginagampanan niya sa Rhodora X bilang Angela kundi dahil may natuklasan ang mga doktor niya na cyst sa kanyang lalaÂmunan na kailangang matanggal. Hindi rin siya sad dahil sa sinasabi ng marami na may problema sa marriage niya.
“Wala akong problema sa asawa ko. Maayos kaming nagsasama. Very supportive siya sa aking trabaho. It’s my throat that’s been bothering me. Kaya pala madalas wala akong boses, namamaos ako,†pagtatapat niya sabay amin na na-depress siya nang husto because of it.
Hindi nga niya binasa ang buong result ng kanyang exaÂmination. Inalam lang niya kung ano ang sakit niya pero ’yung detalye, hindi na niya inalam. Ang alam lang niya, after the operation, ay isang buwan siyang walang boses. Pero wala ito kumpara sa sakit na nadarama niya hanggang hindi pa siya naooperahan. Masakit lumunok at maski na sa pagÂhinga, nasasaktan siya.
“Gusto ko lang bumalik ang boses ko dahil gusto ko ring mag-concentrate sa singing ko. Gusto kong gumawa ng album,†sabi niya.
Luis hanggang tingin lang kay Jennylyn
Sa kabila ng napakaraming pronouncements ni Luis Alandy na crush na crush niya si Jennylyn Mercado, dedma ang aktres.
“Idol ko rin naman siya and I’m flattered sa sinasabi niyang pagÂkaÂkaro’n niya ng crush sa akin. Normal lang ’yun. Pero feeling ko paghanga lang ’yun. Magkaibigan lang talaga kami. Hindi siya nanliligaw at ayaw ko rin namang magpaligaw. Hindi pa ako handa. Walang time.
“Biruin mo, three times a week ako may taping, ’tapos may mall shows pa. Mahirap pagsabay-sabayin ang mga trabaho ko. Baka mabaliw ako tulad ng mga role ko sa Rhodora X. Ako, gusto ko munang mag-focus sa anak ko. ’Yung love, aantayin ko na lang dumating. Darating na siya, parating na siya,†sabi ng bida ng sinusubaybayan ngayong Rhodora X na nagsimula sa isang role lamang pero ngayon hindi lamang dalawang characters ang ginagampanan niya ng buong husay. Ngayon, tatlu-tatlo na, sina Rhodora, Roxanne, at Rowena. At nagagampanan niya ang lahat ng buong husay. Never niyang napagpalit ang mga character niya.
“Hindi naman talaga mangyayari ito dahil bantay sarado ako ng direktor. Sinisiguro niya na hindi ko mapagpapalit ang roles ko na lahat puro mahirap. Walang lighter role. Heavy ang tatlo,†pagliliwanag ni Jennylyn.
“Okay din na wala akong love life. Hindi ko nga pansin, not until you mentioned it. Busy ako sa work. May Jazz naman ako. Okay na sa akin ’yun.â€
When asked kung hindi ba sila nagkikita ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano dahil mahilig din ito sa scuba diving at sa Anilao, Batangas sila madalas pumunta para rito, sinabi niyang, “Hindi kami nagkikita. Napakalaki naman kasi ng lugar. At kasi wala naman sa isip ko ang ibang bagay. Focused ako sa diving. Magagalit ang DM (dive master) ko kapag hindi ako concentrated.â€
Kris pinag-iisipan nang mabuti ang susunod na MMFF film kasama si Bimby
Ngayon pa lamang ay may planong pelikula na si Kris Aquino para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014. At muli, makakasama niya sa movie ang anak niyang si James “Bimby†Yap, Jr.
Expected niya na kung hindi man nito maungusan ang kinita ng My Little Bossings ay makapantay man lang nito ang kinita ng nakaraang pelikula. Ang tanong ay kung sino ang kukunin niya para makasama sa movie.
Alam naman ng lahat na hindi sila lang ni Bimby ang nag-spell ng success ng Bossings kundi ang magandang kombinasyon nila nina Bossing Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Aiza Seguerra, at ang Dabarkads. Kailangan niyang muli ng winning combination. Pero sino kaya ang bubuo?
- Latest