^

PSN Palaro

Garcia, NSAs mag-uusap

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pupulungin ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia ang mga National Sports Association (NSAs) bukas (Miyerkules) para hanapan ng solusyon ang problema sa kanilang unliquidated accounts.

Gagawin ito ng PSC dahil malaki ang magi­ging epekto ng patuloy na kawalan ng lunas sa liqui­dation ng mga NSAs sa perang ibinigay sa kanila sa paghahanda ng bansa sa Asian Games sa Incheon, Korea ngayong Setyembre at sa 2015 SEA Games sa Singapore.

Bawal ang PSC na mag­palabas ng pera mula sa ahensya sa mga asosasyon na hindi pa naisasaayos ang liquidation dahil kung itutuloy nila ito ay si Garcia ang mananagot sa Commission on Audit (COA).

“Handa kaming makinig at willing kaming tulungan sila kung ano ang kanilang mga problema sa liquidation para maayos na ito,” pahayag ni Garcia.

Ang perang itinulong ng administrasyon ni Garcia lamang ang  nais na malinis muna upang makapagpa­labas uli ng bagong pondo ang Komisyon.

Nasa P32,153,033.25 ang unliquidated accounts mula sa 34 NSAs at ang judo ang nasa unang puwesto nang umabot na sa P4,022,748.47 ang perang hindi na naliliquidate.

Ang iba pang may mil­yon pisong hindi nali-li­qui­date ay ang wrestling (P2,948,561.66), sailing (P2,658,823.10), weightlif­ting (P2,230,981.39), golf (P2,219,374.50), rowing (P2,038,685.00), boxing (P1,684,800.00), archery (P1,502,590.00), bridge (P1,285,300.00), gymnas­tics (P1,167,656.56) at windsurfing (P1,­049,­506.00).

 

ASIAN GAMES

BAWAL

GAGAWIN

GARCIA

HANDA

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICARDO GARCIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with