^

Pang Movies

Alex mas gustong magmukmok sa bahay kesa gumimik

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Malapit na naman ang Holy Week at namomroblema na naman ang friends ni Alessandra de Rossi sa kanya dahil ayaw nilang magmukmok ito mag-isa sa bahay niya. Hindi kasi ito mahilig gumimik o maka-family sa mga okasyon tulad ng Christmas, New Year o Holy Week nga. Worried din ang barkada niya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang boyfriend.

Pero ayon sa magaling na aktres, hindi naman daw siya naghahanap at naniniwala na kusang darating ang magiging BF niya. Ang friends lang niya ang naghahanap ng BF na swak sa mga trip niya sa buhay.

Hindi rin naman daw siya nag­lalalabas talaga ng bahay dahil homebody lang ang beauty niya. Ayaw daw kasi niya ng maingay kaya kung wala siyang ibang pupuntahan o plano lalo ngayong Semana Santa ay mananahimik na lang daw siya sa bahay.

Hindi naman daw siya nabo-bore kahit mag-isa dahil busy siya sa pagpi-paint ng kanyang mga obra. Yes, ito rin ang isa sa kanyang mga passion sa buhay, ang magpinta ng mga maisipan niya. Katulad ng kaibigan niyang si Heart Evangelista na nagpipinta rin at least ay nakakapag-relax siya. 

Bukod pa ito sa nag-i-enjoy si Alex sa paggawa ng scrapbook, pagsusulat, at pagkanta kaya walang dahilan para magmukmok siya sa bahay. Friends lang daw niya ang nagwo-worry sa kanya.

Maricel nanantsing na, gusto pang mag-take home ng hunk

Hindi na mahirap kina Lovi Poe at Dingdong Dantes ang pagsasama nila sa teleserye ng GMA 7 na Ang Dalawang Mrs. Real kasi reunion na bale ng dalawa ang TV project nila dahil nagsama na sila sa horror-action film na Tiktik: The Aswang Chronicles.

Nag-story conference na ang Mrs. Real teleserye last Friday at exciting ang casting dahil kasama pa si Maricel Soriano na parang hirap na hirap pa rin sa paos niyang boses nang mag-guest ito kahapon sa Sarap Diva ni Regine Velasquez.  Pero katuwa  si Maria dahil nanantsing pa ito sa isang hunk sa grupo ng Viajero Boys na guest din sa programa ni Regine.

Sinamantala rin niya ang mahipit na yakap sa dating ForeigNoy contestant ng Eat Bulaga dahil maayos na nai-deliver ang linya ni Maria na, “Ayoko ng putik…” na guest din sa cooking show ng Songbird kahapon.

Nagbiro pa ang drama actress na kung puwede na niyang iuwi ang guwapong hunk sa bahay niya.  

Direk Ricky nakaranas ma-reject ng 100 beses bago nakagawa ng mga obra

Promise ng direktor na si Ricky Lee na tumanggap ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ng Star Awards for Movies kamakailan, babalik siya sa Daet, Camarines Norte, ang lugar na kanyang pinanggalingan. 

Ilang taon nang hindi nakakadalaw ang direktor doon. Makakaasa tayong makapagsusulat na naman ito ng dekalibreng obra na inspired sa kanyang sinilangang bayan na maidadagdag sa mahigit na 150 film scripts na naisulat na ng direktor at kinilala na rin sa ibang bansa.

Kuwento ni Direk Ricky, aksidente lang daw ang pagsusulat niya na hindi naman niya pinagsisihan. Hundred times daw siyang na-reject sa mga script at kuwentong sinulat niya. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa kaya lalo pa siyang nagsikap hanggang kinilala rin ang kanyang mga obra.

DAW

DIREK RICKY

MRS. REAL

NIYA

PERO

RIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with