^

Pang Movies

Herbert hindi pa hiwalay sa kinakasama nang makarelasyon si Kris?!

- Vinia Vivar - Pang-masa

No comment si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa issue ngayong sila na ni Kris Aquino. Patawa-tawa at pangiti-ngiti lang ang alkalde nang makausap ng ilang entertainment press sa ginanap na Quezon City Grand JS Prom last Friday night sa Quezon City Memorial Circle.

Talagang ayaw niyang magsalita at halatang iniiwasan ang topic. Kung sabagay, ever since naman ay man of few words talaga si Bistek when it comes to his love life.

Tinanong nga siya ni katotong Jobert Sucal­dito tungkol sa napabalitang paghahatid niya kay Kris sa ABS-CBN at ang tanging nasambit lang ng alkalde ay “ang galing n’yo naman.”

Walang confirmation or denial si Bistek at maging si Kris ay wala pa ring paglilinaw hinggil sa issue kaya nakabitin ang lahat kung sila ba talaga o hindi.

Pero hindi pa rin talaga kami makapaniwala na sila na dahil ang alam namin ay may karelasyon si Bistek – ang napakabait na si Tates Gana at may mga anak sila. Matagal na ang relasyon nila at parang hindi naman namin nababalitaang hiwalay na sila.

Anyway, ang theme ng Grand JS Prom event last Friday ay “Heroes making bridges for the future.” Ang mga guest artist na nag-perform that night ay sina Paul Salas, Michael Pangi­linan, Prima Diva Billy, AJ Tamiza, Le Chazz, and Mica dela Cruz.

Rochelle plantsado na ang kasal at pagbubuntis kahit wala pang proposal

Ayon kay Rochelle Pangilinan, ready na siya to settle down and have a family.

“Ready na. Matanda na ako for this. So, kahit paano, may idea na. Lahat naman sila sinasabi, ’pag nandiyan saka mo pa lang talaga matututuhan. Pero, sabi ko, at least, okay na ’yung ready na ako,” she said nang makatsikahan namin sa pocket presscon na ipinatawag ng PPL Entertainment, Inc. na siyang nagha-handle ng kanyang career.

Aminado naman siyang napag-uusapan na nila ng boyfriend niya na si Arthur Solinap ang tungkol sa bagay na ito pero hindi pa raw sila dumadating sa date. Kaya ’pag tinatanong siya kung kelan, ang lagi raw niyang sinasabi, “Si Arthur na lang ang sasagot diyan.”

Say nga niya, ni wala pa nga raw siyang natatanggap na proposal mula sa boyfriend.

“Kung uso nga lang na babae ang mag-propose,” natatawa niyang say.

Napag-usapan na nga raw nila kung saan sila titira sakaling mabuntis siya, kung anong klaseng wedding, at iba pang detalye sa kasalan.

Minsan ay naiinggit nga rin daw siya sa mga kasamahan at kasabayan sa Sexbomb na may anak na.

At this point, alam ni Rochelle na si Arthur na talaga ang gusto niyang makasama sa habambuhay. Alam niyang magiging isang mabuting padre de familia ang boyfriend.

In the meantime, habang hindi pa sila nagpapakasal, patuloy naman si Rochelle sa paggawa ng mga project. Napapanood siya sa seryeng Carmela at may indie film din siyang Asintado na kasama sa 10th Cinemalaya Independent Film Festival.

Nagkaroon na ng storycon ang Asintado last Friday kung saan ay present din ang iba pa niyang co-stars na sina Aiko Melendez, Jake Vargas, and Gabby Eigenmann, pati na rin ang direktor nilang si Louie Ignacio.

 

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ARTHUR SOLINAP

ASINTADO

BISTEK

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

GABBY EIGENMANN

JAKE VARGAS

JOBERT SUCAL

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with