Tierro, Gonzales huling baraha ng Pinas sa Olivarez Cup
MANILA, Philippines - Kinalos ni Patrick John Tierro si Adam Hermida-Sanjurjo ng Spain, 5-7, 6-3, 6-3, para magkaroon pa ng panlaban ang Pilipinas sa men’s singles sa 2014 Olivarez Cup-Philippine F1 Futures na ginagawa sa Rizal Memorial Tennis Center.
Pinahirapan ng wild card entry na si Tierro si Hermida-Sanjurjo ng mga salitang bola na fly ball, top spin at flat ball upang makabawi matapos matalo sa unang set.
Makakalaro ni Tierro sa quarterfinals ngayong umaga ang isa pang Spanish netter na si fourth seed Roberto Ortega-Lmedo na tinalo ang kababayang si Carlos Boluda-Purkiss, 6-3, 6-2.
Ang kababayan ni Tierro na si Johnny Arcilla ay namahinga na matapos ang 6-1, 6-4, pagkatalo kay fifth seed Andrew Whittington ng Australia.
May panlaban pa rin ang Pilipinas sa doubles dahil umabante ang tambalan nina Fil-Am Ruben Gonzales at Thai netter Sonchat Ratiwatana sa semifinals.
Bumangon sina Gonzales at Ratiwatana sa pagkatalo sa first set sa tie-break nang mamayagpag sa second set at super tie break tungo sa 6-7 (7), 7-5 (10-5), panalo kina Hermida-Sanjurjo at Shuichi Sekiguchi ng Japan
Makakatapat ng paboritong tambalan sa semis sina Mohn Assri Merzuki ng Malaysia at Ivo Minar ng Czech Republic na pinagpahinga sina Warit Sornbutnark at Kittiphong Wachramanowong ng Thailand, 6-4, 6-4.
- Latest