^

Metro

Dagdag enforcer ng MMDA sa INC event sa Commonwealth

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magdadagdag ng enforcer ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para tumulong at umasiste sa pagsasaayos sa daloy ng trapiko kaugnay sa isasagawang Evangelical Mission o Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo (INC) nga­yong araw na ito sa lungsod Quezon.

Bukod sa traffic marshall ng INC, tutulong din ang mga enforcer ng MMDA at maging ang mga traffic enforcer sa lungsod Quezon para sa  naturang event.

Sa advisory ng MMDA ay bawal din aniyang magparada ng sasakyan sa gilid ng Commonwealth Avenue pa-southbound upang hindi na makadagdag pa sa pagsisikip ng trapik.

Wala pa namang takdang oras kung anong oras mu­ling bubuksan sa motorista ang apektadong bahagi ng Commonwealth Avenue dahil hihintayin muna nilang matapos ang event.

Samantala, naglatag na rin ang MMDA ng traffic re-routing at pinayuhan ng ahensiya ang mga motorista na huwag munang dumaan sa mga lugar na apektado ng naturang event para hindi maabala ang mga ito.

 

BUKOD

COMMONWEALTH AVENUE

EVANGELICAL MISSION

IGLESIA NI CRISTO

MAGDADAGDAG

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PAMAMAHAYAG

QUEZON

SAMANTALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with