Kathniel may handog sa fans
MANILA, Philippines - Isang enggrande at maningning na regalo ang handog ng ASAP 19 sa loyal Kapamilya viewers ngayong Linggo (March 23) sa paglulunsad ng pinaÂkabago nitong segment na ASAP Fans’ Day’ sa paÂngunguna ng teen superstars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Tuluy-tuloy ang saya, kilig, at selebrasyon sa ASAP sa pagdiriwang nito ng 18th birthday ni Kathryn, na makakasama sa kanyang 18 special danÂces ang Kapamilya heartthrobs na sina Daniel, EnÂrique Gil, Robi Domingo, Sam Concepcion, Neil Coleta, Yves Flores, Alex Diaz, Nash Aguas, Diego Loyzaga, Joseph Marco, John Manalo, Igi Boy Flores, CJ Navato, Kobi Vidanes, Dominic Roque, Makisig Morales, at Bugoy Carino.
Tiyak na ikatutuwa rin ng mga manonood ang sunud-sunod na birthday bash para kina rock superstar Bamboo, ASAP Sessionista Juris, Bryan Termulo, at Kapamilya leading man na si Matteo Guidicelli.
Abangan din ang big launch ng pinaka-inaabangang bagong fantaserye ng ABS-CBN na Mira Bella kasama ang mga bidang sina Julia Barretto, Enrique, Sam, Pokwang at John ‘Sweet’ Lapus, kasama ang buong cast.
Mamangha sa makapanindig-balahibong dance spectacle sa Supahdance kasama ang America’s Best Dance Crew grand winner na Poreotics, makisali sa pagdiriwang ng anibersaryo ng G-Force, at makihataw sa mga galaw ng ASAP Supahdancers na sina Maja Salvador, Shaina Magdayao, Julia Montes, Alex Gonzaga, Rayver Cruz, John Prats, Iya Villania at Kim Chiu.
Kaabang-abang din ang smooth musical experience mula sa ASAP Sessionistas; ang acoustic renditions ng mga sikat na awitin ng Side A kasama ang lead singer na si Joey Generoso, Yeng Constantino, Nyoy Volante, Nikki Gil, Paolo Valenciano at Sam Milby; at ang old-school musical vibe ng The Carpenters kasama sina Piolo Pascual, Vina Morales, Arnel Pineda, Bamboo, Erik Santos, Jed Madela, at Gary Valenciano.
Samantala, tunghayan ang isa na namang performance na aapaw ng insÂpirasyon mula kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa With Love, Gary V.
- Latest