Kuya Germs naglabas ng sama ng loob kay Herbert
Tila mas open na talaga ngayon si Kuya Germs, maski na sa paglalabas ng kanyang mga sama ng loob. Matagal naman na kasi niyang ipinaglaban ang batas na magsasabing ang Quezon City, kung saan isa rin siyang residente ay tawaging City of Stars. Gusto kasi niyang maging parang Hollywood din sa U.S.A. Ang katuwiran ni Kuya Germs, nasa Quezon City ang lahat ng mga malalaking film companies. Nandoon din ang lahat ng mga television networks. Nasa Quezon City na rin maging ang iba pang mga kinikilalang entertainment venues. Kaya sabi nga niya, tama lang na tawaging City of Stars ang lungsod.
Noon, napakalalaki ng kanilang mga plano. Ang kahabaan ng Quezon Avenue, roon sana nila balak ilagay ang Walk of Fame. Pero kung natuloy ito baka lalong nadismaya si Kuya Germs dahil maya’t maya hinuhukay ang kalye kaya tiyak masisira ang mga stars niya.
Gumawa siya ng isa pa, ‘yung Paradise of Stars sa Mowelfund. Kung may wax museum sa U.S., dito naman mga standee lamang. Maaaring makapag-picture taking ang mga fans. ‘Yun nga lang, hindi naman naipo-promote bilang isang attraction talaga.
Milyong piso na ang nagastos ni Kuya Germs para riyan. Lalo na doon sa ginawa niyang Walk of Fame. May epektibong ordinansa na para riyan, pero hindi nga lang implemented. Sinasabi nga ni Kuya Germs, artista pa naman ang mayor ng Quezon City, pero ayaw pang ipatupad, eh batas na naman.
Makatutulong din naman iyon sa lungsod, dahil kung tatawagin ngang City of Stars kagaya ng Hollywood, tataas din ang value ng properties dun, ibig sabihin mas kikita ang city hall.
Pero siguro, kahit na naipasa ang ordinansa, marami na ring objections sa ngayon kaya hindi nila maipatupad kahit mahigit nang sampung taon iyon. Sasama lang ang loob ni Kuya Germs kung hihintayin pa niya ito. Mabuti pang huwag na siyang mag-expect. Mukhang mas gusto nilang tinatawag ang Quezon City na “carnapping capital of the Philippines†kaysa sa City of Stars.
Issue ng tunay na ama ng anak ni Andi, binubuhay!
Bakit nga ba kailangan pa ng DNA testing sa anak ni Andi Eigenmann kung hindi naman siya interesadong patunayan pa kung sino ang tatay ng bata? Ano pa nga ba ang dahilan? Eh, nagmula naman sa kanya ang anak.
Para naman kasing dagdag na insulto iyon kay Andi. Ginagawa lamang ang DNA testing kung hindi nakatitiyak kung sino ang ama ng bata. Bakit, hindi ba nakasisiguro si Andi? Buntis hangin ba iyon? Pinagbibintangan pa bang may ibang nakasama si Andi na maaaring tatay ng anak niya? Bakit pa nga ba siya kailangang sumailalim na muli sa isang nakaka-insultong sitwasyon? Kaya naman niyang buhayin ang anak niya kahit na mag-isa.
Ex-GF na aktres may sumpa? Actor-model mas dumami ang trabaho nang maging single
Nang makipag-break sa isang aktres-aktresan, aba eh mukhang lalong marami ang nabaliw sa isang aktor-model. Mas dumami ang kanyang mga fans. Mas marami siyang nakukuhang assignments mula sa iba’t ibang network. Mas gumanda ang kanyang career. Kaya ngayon, lumalabas na malas pa pala sa kanya ang aktres-aktresan na dating syota niya.
- Latest
- Trending