^

Pang Movies

John Lloyd walang plano sa V-Day para kay Angelica, trabaho lang!

- Vinia Vivar - The Philippine Star

Hindi itinanggi ni John Lloyd Cruz ang napabalitang nakita sila ni Angelica Panganiban sa bahay ni Willie Revillame sa Tagaytay. Pero itinanggi niya na binibili niya ang nasabing property dahil wala raw siyang pambili.

“Masyadong mahal ‘yun (bahay ni Willie sa Tagaytay). Nag-catch-up lang kami kay kuya Willie kasi matagal namin siyang hindi nakita,” paliwanag ni Lloydie.

Kasama rin naman daw nila ang pamilya niya dahil mahilig talaga sila sa mga ganun’g family outing and bonding.

Samantala, ano ba ang balak ni Lloydie ngayong Valentine’s Day? Saan sila magse-celebrate ni Angelica?

“Talagang ito, inantay ko ‘tong Valentine’s Day na ‘to. Last year ko pa ‘to pinagplanuhan, so yes, on Feb. 14, that’s a Friday, magte-taping ako,” buong ningning niyang say kaya nagtawanan lahat.

Pero seryoso pala talaga si Lloydie na may taping siya sa mismong Araw ng mga Puso.

“Eto po ‘yung calendar ko,” say pa niya.

Pero hirit ng aktor, araw-araw naman daw ay Valentine’s Day sa buhay nila ni Angelica.

“Saka mahirap ding sumabay. Parang traffic. Kaya maigi na nagte-taping lang ako. Pero siyempre, we will make it special sa paraang magagawa natin. Eh siyempre, sa mga babae, malaking bagay pa rin ang Va­lentine’s Day,” he said.

 

Vhong nagsalita sa sinasabing ibang babae na binastos

Sa panayam ni Boy Abunda kay Vhong Navarro sa Buzz ng Ba­yan aired last Sunday, kinumpirma ng comedian/TV host na babalik pa siya ng It’s Showtime pero hindi nga lang daw niya masabi kung kailan. Aniya ay gusto na niyang bumalik at nami-miss niya na ang mga kasamahan sa nasabing noontime show.

“Babalik po ako, hindi ko lang alam kung kailan. Nami-miss ko po ‘yung ginagawa kong pagpapatawa sa kanila. Kasi, feeling ko, kaya ako nandito dahil ‘yun po ang trabaho ko, eh – magpasaya ng tao.

“Minsan po, ang mga komedyante, mas marami pong dinadala ‘yan pero mas masaya sila kung nagpa­patawa sila,” saad ni Vhong.

Natanong din si Vhong tungkol sa mga tsismis na kumakalat na may mga babae ring nais tumestigo against him. Ayon sa comedian/TV host ay wala naman siyang maalalang naagrabyado niyang babae.

“Opo, may mga lumalabas, may mga naririnig, may mga bumubulong po sa akin, meron daw. Pero wala po akong magagawa, kanila po yun, e.

“Basta po ang sa akin, ito pong inilalaban namin ay ang ginawa po nila sa akin. Yun po ang sa akin,” he said.

Bukod sa suporta ng mga kaibigan sa industriya at mga kapamilya, ang isang napakalaking ipinagpapasalamat ni Vhong ay ang hindi pag-iwan sa kanya ng girlfriend na si Tanya Winona Bautista sa kabila ng kasalanan niya rito.

Ani Vhong, kung sakaling hihiwalayan siya ni Tanya ay maiintindihan naman daw niya dahil alam niyang malaki ang kanyang kasalanan.

Pero nanatili sa tabi niya ang girlfriend at aniya, mas lumalim pa raw ang relasyon nila ngayon.

“Right now, mas lalong lumalalim ang aming pagsasama at pagmamahalan. Mas naiisip niya na mahal pa rin niya ako kahit sa nagawa kong ito sa kanya.”

Natawa si Vhong nang tanungin ni Kuya Boy kung napag-uusapan na ba nila ang kasal.

“E, siyempre, ayoko namang pag-usapan ngayon ‘yun. Baka dahil po dun… gusto ko po yung naka-ready po kami.”

When asked kung hanggang saan siya makikipaglaban sa kasong ito, ani Vhong ay hanggang sa makamit daw niya ang hustisya at hindi raw siya uurong.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ANI VHONG

BOY ABUNDA

JOHN LLOYD CRUZ

LLOYDIE

NIYA

PERO

VHONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with