^

Metro

Pag-alis sa bansa nina Cornejo at Lee, minomonitor ng BI, NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masusing imbestigasyon  at monitoring ngayon ang isinasagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) hing­gil sa ulat ng pagpunta sa Singa­pore nina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa gitna ng isyu ng pambubugbog kay Vhong Navarro.

Ayon kay NBI Director Vir­gilio Mendez, isasangguni nila ito kay Justice Secretary Leila de Lima upang malaman kung ano ang mga susunod na  dapat gawin matapos na  lumutang ang pangalan ng dalawa sa integrated informa­tion at booking system ng Phi­lippine Airlines (PAL).

Batay sa rekord, nakapag-book ang dalawa ng biyahe pa-Singapore via PAL flight PR 503, alas-7:55 ng umaga ng Pebrero 6. Napag-alaman nai-book ang flight dalawang araw lamang ang nakakaraan, sa gitna ng pagsabog ng isyu ukol sa kinahinatnan ni Na­varro­. Sa ngayon, hindi pa “confirmed” ang booking dahil hindi pa ito nababayaran. Oras na mabayaran, iisyuhan na ang mga ito ng electronic ticket.

Hindi naman makumpirma ng airline sources kung mismong sina Lee at Cornejo ang nag-book ng biyahe. Sa de­talye naman ng source sa Bureau of Immigration (BI), wala pa ang pangalan ng dalawa sa Immigration watch list o hold departure order (HDO) na mag­pipigil sana sa mga itong lumabas ng bansa. Inamin naman ng Immigration Intelligence personnel na nakatutok sila sa isyu at binabantayan nila ang mga posibleng pag-alis ng mga sangkot dito.

Sa ngayon ayon sa BI, wala pang hold departure order na umiiral laban sa negos­yanteng si Lee at Cornejo.

 

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

DIRECTOR VIR

IMMIGRATION INTELLIGENCE

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with