^

Bansa

LPA sa Mindanao magdadala ng matinding ulan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling binalaan ang eastern Mindanao sa paparating na sama ng panahon kasunod nang pananalasa ng bagyong “Agaton.”

Sinabi ng AccuWeather meteorologist Eric Leister na may papasok na low pressure area (LPA) sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes o Sabado na magdadala ng pag-ulan.

"The heaviest rainfall is expected to occur over the areas that are still recovering from the recent flooding," pahayag ni Leister ngayong Martes.

"This amount of rainfall across the southern and central Philippines can quickly lead to widespread flooding, while hindering recovery efforts across the region," dagdag niya.

Pero nilinaw ng meteorologist na hindi magtatagal sa bansa ang sama ng panahon hindi katulad ni Agaton na tumagal ng ilang linggo sa PAR.

Samantala, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi nila inaasahang magiging ganap na bagyo ang LPA na nasa Pacific Ocean ngayon.

Dagdag nila na magdadala ito ng ulan maging sa Visayasa at Caraga region.

Anila, papangalanang “Basyang” ang LPA kung maging ganap na bagyo.

AGATON

ANILA

BASYANG

BIYERNES

CARAGA

DAGDAG

ERIC LEISTER

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

PACIFIC OCEAN

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with