Operasyon ng 3 kumpanya ng bus, ipinatitigil ng LTFRB
MANILA, Philippines - Ipinatitigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng tatlong kumpanya ng bus dahil sa paglabag sa mga batas at patakaran ng ahensiya.
Ang cease and desist order ay ipinataw ng LTFRB laban sa BCB Transport Inc., Worthy Transport, Inc. at Cemtrans Services, Inc.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, ang kautusan ay ginawa matapos madiskubre ng ahensiya na ang unit ng bus ng BCB Transport, Inc.’s ay pagmamay-ari ng Worthy Transport, Inc.
Ang naturang bus ay unang nalagay sa limelight nang ang isa nitong bus na may rutang Navotas-Alabang ay nahuli sa kasong overspeeding at reckless driving noong nagdaang Enero 20 nang masangkot sa aksidente sa lansangan ang pamilya ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa kahabaan ng Edsa at iba pang paglabag.
- Latest