^

PSN Showbiz

Jennylyn ayaw makipagbalikan sa mga ex-boyfriend

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang balak makipagbalikan sa kahit sino pa mang ex-boyfriend niya ang Kapuso actress Jennylyn Mercado, kabilang ang  kanyang close friend  na si Mark Herras.

Sinabi ni Jennylyn na kahit sobrang close sila ulit ni Mark ay hanggang friends na lamang talaga ito.

“Kasi di ba, sa relationship, hindi natin masasabi kung ano mangyayari—kung kayo ba talaga o hindi. Pero pag friendship, forever yan,” banggit ni Jennylyn.

“Special ang friendship namin ni Mark and ayokong mawala 'yun. Ganun siya ka-special. Gusto ko 'yung friendship namin, forever 'yan,” dagdag niya.

Sinabi na noon ng “Starstruck” batch 1 winner na hindi siya ang babaeng nakikipagbalikan pa sa dating kasintahan.

“Sa ngayon, ganun pa rin ang pananaw ko. Kasi ex nga, e, ‘Rhodora X,’ e. Tapos na, e,” sabi ni Jennylyn.

Ang “Rhodora X” ang bagong soap opera ni Jen at Mark kasama pa ang kapwa “Starstruck” talent Yasmien Kurdi.

Una nang na-link si Jennylyn sa ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo na kaagad naman niyang itinanggi.

“Hindi na ako umimik about it kasi bakit? Hindi naman totoo. Wala akong utang sa kahit kanino para magpaliwanag. E kung hindi totoo, bakit kailangan kong magexplain? So pabayaan ko lang,” sabi ng Kapuso star.

Bukod kay Mark at Dennis, kabilang sina Luiz Manzano at Patrick Garcia sa kanyang mga dating nobyo sa showbiz.

 

DENNIS TRILLO

JENNYLYN

KAPUSO

KASI

LUIZ MANZANO

PATRICK GARCIA

RHODORA X

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with