Kapamilya stars magbabahagi ng blessings
MANILA, Philippines - Pasasayahin ng ASAP 18 ang Kwento ng PasÂko ng mga Kapamilya ngayong Linggo (Disyembre 22) sa ika-apat na ASAP Gives Back dahil pasaÂsayahin ng Kapamilya stars ang kanilang chosen charities kabilang ang Yolanda survivors na pansamantalang naninirahan sa Tent City sa VillaÂmor Airbase sa Pasay City, mga kabataang nasa DSWD-Jose Fabella Center sa Mandaluyong City, at ang isang pamilya sa Albay na muling pagbubuklurin.
Abangan din ang iba’t ibang Kwento ng Pag-asa at Pagbangon sa paglalakbay ng ASAP Kapamilya sa mga probinsyang hinagupit ng kalamidad ngaÂyong taon kabilang ang Bohol, Zamboanga, at TacÂloban.
Bukod sa pagbabahagi ng blessings ng KapaÂmilÂya stars, gagawing mas masaya ang early ChristÂmas celebration ng TV viewers sa handog na sorpresÂa ng cast members ng 2013 Metro ManiÂla Film Festival (MMFF) na sina Vice Ganda, KiÂray Celis, Xyriel Manabat, JM Ibañez, at Red Bustamante ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy; Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Shaina Magdayao, Michelle Vito, Dominique Roque, Miles Ocampo, CJ Navato, at Paulo Avelino ng Pagpag: Siyam na Buhay; at sina Eugene Domingo at Sam Milby ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.
Kakaibang sweetness at kilig naman ang ihahatid ng upcoming Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home lead stars na sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga kasama ang dalawa sa pinakasikat na love teams sa bansa na sina Daniel at Kathryn, at Kim Chiu at Xian Lim.
Doble-dobleng kasiyahan ang matutunghayan sa ASAP 18 center stage sa special production numbers ng celebrity siblings na sina Enchong at Angie Dee, John at Raffy Prats, Maja at Jessilyn Salvador, Sam at Gabby Concepcion, Jessy at Pam Mendiola, at sina Nikki at Dani Gil.
Samantala, saksihan ang isa na namang world-class performance mula kay Mr. Pure Energy Gary VaÂlenÂciano kasama ang kanyang mga anak na sina Paolo at Gab sa segment niyang With Love, Gary V.
- Latest