Preparasyon sa kalamidad
MASASABING maayos ang naging preparasyon ng gobyerno sa Super Bagyong Yolanda dahil nalimitahan ang malaking pinsala nito. Ang Bagyong Yolanda ang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo at pinakamaÂlakas sa mga bagyong naÂnalasa sa bansa.
Bigyan natin ng kredito ang ilang ahensiya ng gobÂyerno sa mabilis na pag aksiyon at pag ayuda dito.
Pero tila ang mamamayan ang hindi naging handa dahil hindi akalain na napakalaÂkas ang tatamang bagyo sa maraming lugar sa Visayas.
Dapat ang mga lider ng barangay ang mangunguna sa pag-sasaayos ng sistema sa kanilang lugar. Nakalatag ang mga pa-mamaraan lalo na sa pamamahagi ng tulong ng national government.
Napanood ko kasi na mayroong establisemento na pinasok ng mga tao at kinuha ang mga pagkain at maging ang kagamitan.
Alam ko namayani ang kagutuman sa ating kababayan nabiktima ng kalamidad pero sana, huwag namang ipakita sa buong mundo ang kawalan ng sistema at kaayusan.
* * *
Hindi matabunan ng bagyong Yolanda ang kontrobersiyal na PDAF at DAP dahil pera ng taumbayan ang pinag-uusapan dito.
Kung desididong papanagutin ang mga senador at iba pang opisyal ng gobyerno na sabit sa paglustay ng PDAF ay dapat ganundin sa DAP.
Kapag naideklara ng SC na ilegal ang DAP ay dapat lang na papanagutin ang utak dito sa pangunguna ni Budget Secretary Butch Abad at iba pang Cabinet member.
At siyempre ay dapat ding managot ang mga senador at kongresista na nakinabang sa DAP kung iligal ang pondo nito at ibalik sa kaban ng bayan.
- Latest