^

Police Metro

Sekyu binoga, bulagta

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakabulagta at wala ng buhay ang isang 21-anyos na security guard nang madatnan ng karelyebong guwardiya sa binabantayan nilang bakanteng lote, sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala sa mukha ang biktimang si Joemar Sallote, binata, nakatalaga sa nasabing lote, na matatagpuan sa Francisco St., Malate, empleyado ng Helenian Security Agency na nasa  #3 Rosal St., 12th Avenue, Grace Park, Caloocan at tubong Sipalay City Negros Occidental.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente dahil sa wala pang matukoy na suspek at motibo sa krimen, habang ang karelyebo naman na si Noel Silverio, 27, ay isinasailalim din sa interogasyon.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:00 ng umaga nang makitang patay na ang biktima sa binabantayan nitong bakanteng lote sa panulukan ng Singalong at Francisco St., sa Malate.

 

vuukle comment

CALOOCAN

FRANCISCO ST.

GRACE PARK

HELENIAN SECURITY AGENCY

JOEMAR SALLOTE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIO ASILO

MAYNILA

NOEL SILVERIO

ROSAL ST.

SIPALAY CITY NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with