^

Pang Movies

Enrique nakakapag-promote ng concert dahil sa pagbabalik ng pelikula

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Mabuti na lang at ibinalik ang movie na She’s the One sa SM Cinemas matapos mag-lie low ang clamor ng Thor sequel sa sinehan.

Mali ang akala ko na corny ang palabas nina Bea Alonzo at Dingdong Dantes na akala ko rin ay jologs sila dahil kasama ang bagets na si Enrique Gil.

Gumana na naman ang magic ni Direk Mae Cruz na master na rin yata ang kiliti ng moviegoers sa ganitong pelikula na siyempre ay impressive muli ang takbo ng istorya na pinagsama-sama na niya ang sangkap ng kilig, lungkot, saya, at aliw factor ng kanyang movie.

Ang suwerte ni Enrique dahil hindi lang sa maganda ang kanyang role kundi laging maganda ang rehistro niya sa big screen sa lahat ng anggulo niya kaya lalong nagpatingkad ang kanyang kaguwapuhan.

Nagsilbi ring promo ang movie na She’s the One para sa dance concert ni Enrique sa Nov. 29 sa Smart Araneta Coliseum na pinamagatang King of the Gil na ngayon pa lang ay nagpapakita na ng angas sa pag-arte.

Mayor Herbert may natitira pang pagnanasa kay Janice!

 Tama ang hirit ni Herbert Bautista na puwede silang dalawa ni Janice de Belen na mag-ala John & Marsha. Kuwelang-kuwela ang huntahan nila nang mag-guest si Bistek sa isang episode ng Spoon sa Net 25 habang nagluluto silang dalawa.

Panay din ng tsansing ni Bistek ng nakaw na halik kay Janice habang nagkukuwento ng revealing ng kanyang talambuhay niya sa host ng Spoon. Mukhang hanggang ngayon ay may pagnanasa pa sa aktres ang mayor ng Quezon City kaya tuloy ang sweet ng biro niya kay Janice at nakakaaliw panoorin.

Ikinuwento ni Bistek kung paano siya nabasted hindi lang ni Lea Salonga kundi maging ni Janice. Sinabi niya kung gaano kasaklap din siyang ipinagpalit ni Janice kay Gabby Concepcion. “Niloko ka lang naman ni Gabby,” malutong na sambit ni Bistek na ikinatawa lang ni Janice. Ipapakita na sana ni Herbert noon ang picture ng crush niya (na si Janice) noong nasa set pa sila ng Flordeluna days. Nang akma na niyang ilalabas ang picture ay saka naman ang pagdating ni Gabby kaya mabilis na lumabas si Janice at naiwan si Bistek sa ere.

Binanggit din ni Bistek na si Aga Muhlach ang nagturo sa kanya na i-repackage ang kanyang sarili nung time na pareho silang nag-aral sa UP Diliman — kumukuha ng masteral degree si Herbert, samantalang crash course naman si Aga tungkol sa entrepreneurship.

Ibinuko pareho nina Janice at Mayor Herbert na kuripot si Aga na madalas pang magyaya ng blowout na ang ending ay sila rin ang nagbabayad.

Puwede pa talagang buhayin ang team up nina Janice at Bistek kasi parehong game na game sila na pagtawanan ang kanilang nakaraan. Pareho ring mahusay umarte ang dalawa sa comedy man o drama.

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

BEA ALONZO

BISTEK

DINGDONG DANTES

DIREK MAE CRUZ

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

GABBY CONCEPCION

JANICE

MAYOR HERBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with