^

Pang Movies

Kilalang makeup artist minanyak-manyak ng mayabang na young actor!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Galit na galit ang celebrity makeup artist na ito sa isang young actor na masyadong confident sa kanyang sarili.

Feeling nga raw nito ay type siyang maka-sex ng kahit na sinong babae at gusto niyang biktimahin ay ang magandang makeup artist.

Ilang beses na ngang nakakatrabaho ni makeup artist ang naturang young actor at tuwing aayusan niya ito for a photo shoot ay kung saan-saan pumupunta ang mga kamay nito. In short, panay ang tsansing sa kanya ng preskong young actor.

Ayaw lang gumawa ng eksena ni makeup artist dahil iniisip din niya ang kahihiyan ng young actor. Kaya tatawa-tawa na lang ang makeup artist at sinasakyan na lang nito ang mga physical at verbal advances nito sa kanya.

Alam naman daw ng young actor na may boyfriend ang magandang makeup artist pero para ngang walang pakialam ito dahil feeling niya ay “God’s gift to women” siya. Nagpasaring pa nga raw ito sa makeup artist na kapag pumayag lang daw ito baka isipin nitong iwan ang boyfriend niya.

Medyo na-offend ang makeup artist sa sinabing iyon ng preskong young actor, pero nagpigil pa rin daw siya dahil wala siya sa proper venue para magtaray na. May ibang mga artistang nasa dressing room at baka siya pa ang lumalabas na kahiya-hiya. Kaya ngumiti na lang ito sa mga sinasabi ng young actor.

Pero dumating na ang pagkakataon na napuno na ang makeup artist sa preskong young actor. Nagkaroon ng photo shoot para sa isang underwear brand ang young actor at hiniling niya ang makeup artist ang mag-makeup sa kanya. Walang choice ang makeup artist dahil maganda ang ibabayad ng may-ari ng underwear brand sa kanya.

Kailangang make-up-an ang buong katawan ni young actor dahil may kakaibang concept ang gaga­wing ad. Kaya walang choice ulit ang makeup artist kundi gawin iyon dahil wala naman siyang assistant.

Pagdating daw sa pag-makeup sa legs ng young actor, sobra raw na bumukaka raw ito at sinabi na kung puwede hanggang sa singit niya lagyan ng makeup para pantay at magandang tingnan, lalo na kung siya raw ang titingin sa mga singit niya in private.

Doon na nga raw tumigil ang makeup artist at tinalakan na niya ang young actor sa pagiging bastos nito.

Puwede raw niyang kasuhan ng sexual harassment ang young actor dahil sa paulit-ulit nitong pangha-harass sa kanya na may sexual intent. Professional siyang tao at trabaho ang pinunta niya roon.

Nataranta raw ang young actor nang marinig niya ang word na demanda kaya mabilis itong nag-sorry sa makeup artist. Hindi na raw niya gagawin iyon dahil inakala niya na okey lang ang mga ginagawa niya.

At dahil professional ang makeup artist, tinapos pa rin niya ang trabaho niya. Ayaw din kasi niyang magulo ang career niya at ang ibabayad sa kanya. Pero nagsabi na ito na iyon na ang last time na makakatrabaho niya ang bastos na young actor.

Iba na raw ang kunin nila kapag siya ang aayusan dahil hindi na raw niya matatagalan ang pagiging manyakis nito.

Korean-model actress nagbabu na sa ‘Pinas

Nagpaalam na pala sa Pilipinas noong nakaraang Miyerkules ang Korean model-actress and radio jock na si Jinri Park.

Bumalik si Jinri sa kanyang bansa na South Korea para i-pursue ang isang seryosong training sa acting.

Leading lady si Jinri ni Vic Sotto sa GMA-7 sitcom na Vampire ang Daddy Ko at may regular radio show ito sa RX 93.1. Naging cover girl din si Jinri ng iba’t ibang mga men’s magazine at ang unang TV exposure nito ay sa programang Comedy Bar nila Allan K at Eugene Domingo bilang isa sa mga “Beer-Gins”.

Kelan lang nga ay napag-usapan sa social media ang kanyang paghanga sa comedian, novelist at UP professor na si Ramon Bautista.

“The fact I’m leaving is really because I do miss my family and want to take acting seriously. I applied for masters in acting in Korea,” sey pa ni Jinri sa kanyang farewell note na pinost niya sa Instagram.

Mahirap daw na iwan ni Jinri ang kanyang career dito sa Pilipinas, pero nangako naman daw na babalik ito at hindi siya magku-quit ng showbiz. Baka raw ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aartista sa South Korea.

“If there’s an opportunity to join showbiz there, I’ll try it out, but I’m not going there to be an actress/K-pop artist. If it happens then it happens,” post pa ni Jinri.

Sa kanyang Twitter account, ito ang farewell message ni Jinri sa kanyang mga kaibigan at fans:

“I would like to thank everyone who supported me here in the Philippines. I will NEVER forget my filipino fans. I’ll be back as a better me.”

Dating drug addict idineklarang Most Valuable Star

Si Robert Downey, Jr. ang Most Valuable Star of 2013 ayon sa Vulture magazine.

Tinalo ng bida ng Iron Man franchise sila Leo­nardo DiCaprio (2nd) at Oscar best actress Jennifer Lawrence (3rd).

Ang naturang magazine ay may listahan base on several criteria tulad ng box-office power (domestic and overseas), awareness and popularity.

Kasama na rin ang likeability, Oscar mentions, Twitter and tabloid mentions at critics’ score.

Tawag ng Vulture kay Robert Downey, Jr. ay “The King” dahil sa kanyang muling pag-bounce back mula sa matinding drug addiction to a major box-office star.

 Ang iba pang kasama sa Top 20 ng Vulture’s Most Valuable Stars of 2013 ay sina Sandra Bullock, Brad Pitt, Will Smith, Christian Bale, Denzel Washington, Tom Hanks, Johnny Depp, Hugh Jackman, Angelina Jolie, Meryl Streep, Tom Cruise, Daniel Radcliffe, Jennifer Aniston, Daniel Craig, George Clooney, Matt Damon, at Mila Kunis.

 

vuukle comment

ACTOR

ARTIST

DAHIL

JINRI

MAKEUP

NIYA

RAW

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with