^

PSN Palaro

Parehong determinado Mixers, Boosters mag-aagawan sa titulo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa lamang sa Petron Blaze at San Mig Coffee ang mag-aangkin sa 2013 PBA Governors’ Cup.

At parehong determinado ang dalawang koponan na masikwat ang korona ng nasabing season-ending conference.

Nagtabla sa 3-3 sa kanilang best-of-seven championship series, magtatapat sa huling pagkakataon ang Boosters at ang Mixers sa Game Seven ngayong alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bumangon ang Petron sa isang two-game losing skid para puwersahin ang San Mig Coffee sa ‘winner-take-all’ match matapos kunin ang 99-88 panalo sa Game Six noong Miyerkules.

“It’s Game 7 of the Finals. It’s a dream of coaches and players,” sabi ni rookie coach Gee Abanilla ng Boosters, dalawang sunod na beses tinalo ng Mixers sa Game Four (88-86) at Game Five (1114-103) para sa  3-2 bentahe sa serye.

“Now that we extended the series to a Game Seven, it’s gonna be anybody’s ball game. We’re gonna give our best effort to represent the organization well,”  dagdag pa nito.

Aminado naman si San Mig Coffee mentor Tim Cone na mahirap talunin ang Petron ng tatlong sunod na beses sa isang title series.

“Trying to beat Petron three times in a row is a huge mountain to climb,” ani Cone.“We had two shots at it and we’re going for it on Friday.”

Hangad ng Boosters (dating San Miguel Beermen) ang kanilang ika-20 PBA championship, habang target ng Mixers (dating B-Meg Llamados) na makuha ang kanilang ika-10 titulo.

Sakaling manalo ang Petron ay makakamit ni Abanilla ang kanyang kauna-unahang PBA crown bilang isang rookie coach, samantalang asam ni Cone na mapantayan ang 15 titulo ni legendary mentor Baby Dalupan.

B-MEG LLAMADOS

BABY DALUPAN

GAME

GAME FIVE

GAME FOUR

GAME SEVEN

GAME SIX

PETRON

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with