^

PM Sports

Howard nagbida sa tagumpay ng Rockets

Pang-masa

HOUSTON – Nagtala si Dwight Howard ng 15 points at 17 rebounds at umiskor si James Harden ng 19 upang tulungan ang Houston Rockets sa 100-95 panalo kontra sa Dallas Mavericks sa preseason game nitong Lunes.

Inilipat ni Houston coach Kevin McHale si Ho-ward sa power forward  position para maipasok si 7-foot center Omer Asik sa lineup. Nagtala si Asik ng 4 points at 9 rebounds sa kanyang unang laro ngayong season matapos makarekober mula sa calf injury.


Tabla ang laban sa third quarter bago gumamit ang Rockets ng 7-0 run para kunin ang 77-70 tungo sa kanilang tagumpay.



Nagtala si Dirk Nowitzki ng 11 points at 4 blocked shots bago napatalsik sa laro sa huling bahagi ng third quarter bunga ng flagrant two foul nang bumagsak si Omri Casspi sa isang fast break.

Sa Columbus, Ohio, nagtala si Kyrie Irving  ng 17 points at 12 assists para hiyain si Evan Turner sa kanyang homecoming nang igupo ng Cleveland ang Philadelphia 76ers, 104-93 sa Value City Arena sa Ohio State campus.



Si Turner, nagtala ng 14 points, ang national player of the year ng Buckeyes bilang junior noong 2010 bago nagdesisyong pumasok sa NBA Draft, kung saan kasama siya sa second overall selection.



Lumayo ang Cavs (4-2) sa tulong ng technical na ibi-nigay kay  Royce ng Philadelphia na kanyang ikalimang foul, may 8:57 minuto pa ang natitira.

Sa iba pang preseason game, tinalo ng Toronto ang New York, 123-120 habang pinasadsad ng Chicago ang Milwaukee, 105-84.

DALLAS MAVERICKS

DIRK NOWITZKI

DWIGHT HOWARD

EVAN TURNER

HOUSTON ROCKETS

JAMES HARDEN

KYRIE IRVING

NAGTALA

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with