P5M tsongki sinilaban sa Ilocos
MANILA, Philippines – Sinunog ng mga awtoridad ang P5 milyong halaga ng marijuana sa Ilocos Sur, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency ngayong Martes.
Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. na nasabat ng mga tauhan ng ahensya ang 21,200 piraso ng halaman ng Marijuana at 10,600 piraso ng mga binhi nito sa siyam na taniman sa Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur.
Sa pinagsamang puwersa ng Regional Office 1, Sugpon Police, Ilocos Sur Provincial Public Safety Company at Ilocos Sur Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group ay sinunog nila ang 3,940 kuwadrado metrong pananiman nitong Oktubre 4.
Aabot sa P5,088,000 ang halaga ng mga Marijuana base sa pagtataya ng Dangerous Drugs Board.
"The illegal hemp worth P5,088,000 based on the value set by the Dangerous Drugs Board, were burned on site following the eradication operation," pahayag ni Cacdac.
- Latest
- Trending