^

PSN Palaro

YOG bukas sa mga Fil-Foreigners pero...

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang mahabang panahon para makapaghanda para sa Youth Olympic Ga­mes sa 2014 ay makakatulong para makita at masuri ang mga mahuhusay na atleta na puwedeng isama sa delegasyon.

Sa pagdalo ni Natha­niel “Tac” Padilla sa PSA Forum kahapon, kanyang ibinulalas na bukas ang koponan sa pagtanggap ng mga Fil-foreigners para mapaganda ang tsansa sa medalyang ginto sa YOG na gagawin sa Nanjing China mula Agosto 16 hanggang 28.

“Yes, if they are avai­lable. Kahit naman ang mga nakakalaban natin, may mga ganitong pla­yers,’ wika ni Padilla, ang itinalagang Chief of Mission sa Asian Youth Games sa Nanjing at nanalo ng dalawang ginto at tatlong pilak.

Pero isang bagay na gusto niyang tiyakin ay da­pat na taos sa puso ang pagnanais na mga Fil-Foreigners para katawanin ang Pilipinas sa YOG.

“Gusto ko lang sana, kapag maglalaro sila, wala ng hihilingin pa na iba. Unahin nila ang paglalaro sa bayan. If not, we should instead spend our money sa mga Filipino athletes,” dagdag ni Padilla.

Tutulong na lamang si Padilla sa bubuuing dele­gasyon dahil si POC president Jose Cojuangco Jr. ang siya ng mangangasiwa sa paghahanda ng mapipi­ling manlalaro.

Isang pagpupulong ang nais na ipatawag ni Padilla sa mga NSAs na puwede pang sumali sa mga YOG qualifying tournaments para makita ang kanilang atleta at malaman kung sino ang mga may potensyal na manalo sa Nanjing.

Sina Mia Legaspi ng golf at Pauline Lopez ng taekwondo ang mga na­nalo ng ginto sa AYG at ito na ang pinakamagandang naitala sa dalawang edisyon. Noong 2009 sa Singapore ay isang pilak at bronze medals lamang ang naihatid ng ipinadalang koponan.

ASIAN YOUTH GAMES

CHIEF OF MISSION

JOSE COJUANGCO JR.

NANJING

NANJING CHINA

PADILLA

PAULINE LOPEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with