^

Kutob

Agosto 23, 2013

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang kapangyarihan at kalwalhatian ay sumasaiyo­ lamang Diyos ng langit at lupa. Nagtitiwala at sumasampalataya kami sa Iyo, ngayon, bukas at sa bawat sandali ng aming buhay.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang akalang kayhirap ang nakatakdang gagawin pero kapag nasimulan na ito, mapagtatantong hindi naman pala ganoon kahirap. Huwag nang sayangin ang oras sa pag-iisip, simulan ang trabaho at makikita, magiging masaya ang bawat saglit na gugugulin dito. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 19, 25 at mint green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maging tapat at huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung nalulungkot o nasasaktan, walang dahilan para magkunwaring masaya. Hindi kailan man makakabuti ang mabuhay sa mundo nang may pagkukunwari, dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 30, 42 at chocolate brown.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Pinakamabisang paraan upang mapaglabanan ang takot ay ang pagkakaroon ng positibong isipan, na kahit ano ang mangyari ay magiging maayos ang resulta ng anumang ginagawa at anumang hamon ang dumating ay makakayang harapin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 25, 34 at lime.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Isang magandang balita ang matatanggap ngayon na tiyak magpapasaya sa buong maghapon. May pagkakataon na yayayain ang isang kaibigan na maaaring mapagkuwen­tuhan ng balita, na puwedeng makagalak sa sarili. Isang Aries ang magbibigay ng kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 25, 31 at burgundy.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Manati­ling mahinahon at kalmado. Ang sobrang pagkataranta at pagmamadali ay lalo lamang magdudulot ng hindi maganda. Resulbahin ang problema sa paraang maayos at mahinahon. Maaayos ang taglay na suliranin ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 26, 30 at strawberry red.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Pairalin ang utak at hindi ang emosyon. Bagama't oo, pagdating sa pag-ibig, higit na may kapangyarihan ang isip kaysa puso. Maaaring sa ibang bagay ay pantay itong gumagana. Dapat alamin kung paano ang dalawang ito ay balanseng magagamit o gagamitin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 20, 34, 41 at golden brown.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Mapagtatanto mo kung gaano nagmukhang estupido nitong mga nakaraang araw, na natakot sa isang bagay na hindi naman dapat katakutan. Huwag mahiya sa bagay na ito, natural lamang ang nararamdaman. Maaaring ang hindi nakakatakot sa iba ay iba naman ang dating sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 24, 39 at silver.

ARIES ( Marso 21 - Abril 19) – May kalituhan ka nga­yon kaya  dapat isiping mabuti kung ano ang nais gawin. Iwasan ang magpadalus-dalos ng desisyon. Isa-isahin ang hakbang hanggang sa tuluyang makamit ang nais. Konsultahin ang mga kaibigan, kasambahay o magulang tungkol sa mga binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 34, 41 at neon green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Himala dahil maru­nong ka ngayon makisama at makibagay. Ang ugaling­ ito ang siyang gusto ng mga kaibigan. Panatilihin ang ganitong ugali dahil lalong darami ang iyong magiging kaibigan. Panahon na ng pagbabago ng ugaling masungit. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 35, 40 at white.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Isang tawag mula sa minamahal ang magpapasaya at magpapaganda sa iyong araw. Huwag mahiyang magsabi kung may kaunting problemang dinaranas. Matutuwa pa nga ito dahil alam niyang hindi ka nagtatago ng sikreto. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 34, 40 at jade green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Walang sinuman ang maaaring uminsulto sa iyo, iyan ang prinsipyo ng iyong pagkatao. Ang buhay ay parang gulong na minsan ay nasa ilalim at minsan ay nasa ibabaw. Tanggapin kung alam ng sarili ang pagkakamali. Paminsan-minsan ang pride ay magagawang fried chicken. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 36, 42 at violet.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Magandang balita dahil anuman ang gawin ay tiyak na maganda ang magiging kalalabasan. Iwasan ang katarayan dahil sa halip na maging kaibigan ay siya pang magiging ka­galit. Kung ayaw mawalan ng pera sa bulsa, iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 39, 40 at yellow green.

 

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with