^

Metro

MMDA member huli sa extortion

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghihimas ngayon ng rehas na bakal ang isang  tauhan ng Metropolitan Ma­­nila Development Autho­rity­ (MMDA) matapos na arestuhin­ sa isang en­trap­ment operation sa Sta. Mesa, Maynila.

Sinampahan ng 11 counts ng kasong robbery extortion sa Manila Prose­cutors  Office si Benjamin Capili, 44, ng no. 616 Gerona St. Tondo, Maynila.

Sa report na tinanggap ni Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., hepe ng MPD-MASA, nagtungo sa kanyang tanggapan ang ilang  vendor upang ireklamo ang umano’y  panghihingi  sa ka­nila ng isang nagpakilalang  taga MMDA.

Bunsod nito, agad na  inutos ni Irinco ang  entrapment operations na pina­ngunahan naman ni PO3 Antonio Rigor at dalawang   miyembro ng Hawkers.

Dakong alas-6 ng gabi  noong Huwebes nang pumoste sa R. Magsaysay Blvd. ang mga pulis at nakita ang pagdating ng suspect na si Capili.

Agad na dinamba ng mga pulis si Capili at dinala sa MASA station kung saan positibong itinuro ng mga vendors na nanghihingi sa kanila ng P20 at P50 tuwing Huwebes.

Dito na sinabi ng mga vendors na hihingan sila ni Capili ng nasabing halaga upang makapagtinda sa side­walk sa panulukan ng R. Magsaysay at V. Mapa St. sa Sta. Mesa, Maynila.

ANTONIO RIGOR

BENJAMIN CAPILI

BERNABE IRINCO

CAPILI

CHIEF INSP

DEVELOPMENT AUTHO

GERONA ST. TONDO

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with