^

Metro

Lalaki hinoldap ng 3 ka-eyeball

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Nagpanggap na mga babae

MANILA, Philippines — Kalaboso ang tatlo sa apat na lalaki na nagpanggap na mga babae at nangholdap sa isang 31-anyos na lalaki na kanilang ka ‘eyeball’ sa social media sa Cubao, Quezon City, noong Martes ng gabi.

Sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District Cubao Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Marc”, 26; alyas “Albert”, 46; at alyas “Bendo”, 38 ay nakipagkasundo na makipagkita sa biktima bandang ala-1:40 ng gabi sa kanto ng G.H. Del Pilar at Don Jose sa Brgy. San Roque.

Pagdating sa lugar, agad umanong nilapitan ang biktima ng apat na lalaking ka-chat sa online at nagdeklara ng holdup. Tinangay ng mga suspek ang Vivo cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P6,500, Realme cellphone na nagkakahalaga ng P4,000, at pitakang naglalaman ng P500.

Isa sa mga suspek, na kinilala lamang sa alyas na “Pablo”, ang umano’y kumuha rin ng Yamaha Mio na motorsiklo ng biktima at tumakas.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng PS 7 na nagsasagawa ng patrol at naaresto ang tatlo sa mga suspek, habang si Pablo naman ay nakatakas.

Nabawi ng pulisya mula sa mga naarestong suspek ang pitaka, dalawang cellphone ng biktima, sling bag, dalawang improvised pen gun na may mga bala, isang folding knife, at isang ice pick.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with