^

Police Metro

Kamara: Walang nilulutong ‘Oplan No-El’ sa 2028

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng mga lider ng Kamara na walang katotohanan ang mga pahayag na pinag-uusapan o isinusulong sa Kamara de Representantes ang pagpapaliban ng halalan sa 2028 at ang pagpapalawig sa termino ng mga nakaupong opisyal.

Ito ay matapos na palutangin ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng Spokesman nitong si Atty. Paolo Panelo.

Ayon kay Deputy Speaker Paolo Ortega V, kinatawan ng La Union 1st District, committed ang Kamara sa ilalim ng liderato ni Speaker Faustino “Bojie “Dy III na panatilihin ang Konstitusyon at hindi ng mga ito tatanggalan ng karapatan ang mga Pilipino na iboto at pumili ng sarili nilang mga kandidato sa pamamagitan ng malaya at demokratikong elections.

Sa alegasyon ni Panelo, ilang kongresista umano ang nagpupulong na para sa planong No-El para mapalawig ang termino ng ilang opisyal ng pamahalaan at mag-shift na sa parliamentary form of government.

Hinamon din ni Ortega ang kampo ni VP Sara na maglabas ng ebidensya at pangalanan ang mga Kongresistang sangkot na iginiit na hindi basta na lamang magbato ng mga seryosong paratang na walang malinaw na batayan na nagdudulot ng pangamba sa sambayanang Pilipino.

Sinabi naman nina Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, at Manila 3rd District Rep.Joel Chua; spokesperson at prosecutor na bahagi lamang umano ng diversionary tactics kaugnay ng impeachment trial laban kay VP Duterte at mas makabubuti pang sagutin ang alegasyon habang kinuwestiyon din ng mga ito ang timing ng alegasyon sa gitna na rin ng papatapos ng impeachment trial.

KAMARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with