^

PSN Showbiz

Ruru, laging namamakyaw!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ruru, laging namamakyaw!
Ruru Madrid

Nakahanap ng isang bagong tahanan si Ruru Madrid saTondo, Maynila. Sa naturang lugar kasi nagte-taping ang Hari ng Tondo na pinagbibidahan nina Ruru at Dennis Trillo. Ayon kay Ruru ay talagang mainit ang naging pagtanggap sa kanila ng mga naninirahan sa lugar.

 “Siyempre kailangan nating i-entertain lahat ng taong nandoon dahil kami po ‘yung kumbaga bisita eh. Every time na may pinupuntahan kaming lugar sa Tondo, parang welcome na welcome kami,” bungad ni Ruru sa 24 Oras.

Kapag hindi nakasalang sa eksena ay mayroong pagkakataong pinapakyaw ng aktor ang mga paninda ng naglalako ng mga pagkain sa lugar. “Hanggang sa maliliit na bagay na pwede kaming tumulong sa kanila. Like for example si Nanay na laging may nilalabas na mga tinda. Ang ginagawa ko, pinapakyaw ko ‘yung mga tinda niya. Tapos pinamimigay ko sa set. Kasi parang in that way, kahit paano sa mga residente na naiistorbo natin,” kwento ng binata. 

Samantala, si Rocco Nacino naman ang gumaganap bilang kontrabida sa bagong serye ng Kapuso network. Umiwas naumano ang aktor sa pakikipagkaibigan sa mga kasamahan sa proyekto. “Nagta-try ako ng something different. Since, ini-enjoy ko ang pagiging kontrabida, nilalaro ko ang character ko. Sabi ko i-try nga medyo i-distance ko ang sarili ko sa kanila. Baka mailabas ‘yon sa character. Makulit kasi ako lalo na kapag kaibigan ko. Makulit ako, lalaruin ko ‘yung time na mayroon tayo, makikipag­kuwentuhan tayo,” nakangiting pagbabahagi ni Rocco.

GLOC-9, may gustong matutunan

Sina Yeng Constantino at Gloc-9 ang mga bagong coach na makakakasama ni Julie Anne San Jose sa The Voice Kids Philippines. Ayon kay Yeng ay matagal na niyang inaasam-asam na mapabilang sa hanay ng mga coach sa naturang reality singing competition. “Siyempre po bilang isang mag-aawit, ‘yung maging coach ka ng The Voice, isa ‘yan sa mga checklist na gusto mong magawa sa iyong career. And I’m just grateful na ibinigay ito ng Panginoon in His right time,” makahulugang pahayag ni Yeng.

Umaasa naman si Gloc-9 na marami ring matutunan mula sa mga kasamahang coaches sa programa. “Siguro kahit tawag nila sa akin coach dito, I’m sure marami akong matututunan sa aking mga fellow coaches. Siyempre si Julie, Yeng, and ‘yung mai-encounter and mami-meet naming mga batang singers,” paglalahad ni Gloc-9.

Ito na ang pang-apat na pagkakataon na naging coach si Julie Anne. Ano naman kaya ang mga hinahanap nina Yeng at Gloc-9 bilang mga bagong coaches sa contestants ngayon? “Ako gusto ko po talaga ‘yung something unique. ‘Yon po talaga ‘yung may identity pagdating sa pag-perform. Gusto ko po ‘yung marubdob kumanta,” sagot ni Yeng.

“Iikot ako (sa revolving chair) ‘pag tama ‘yung sabi ni Yeng, ‘Pag unang line pa lang, nakuha mo na. Parang regardless kung nasa mataas ‘yung note ka ng song and alam mo naman unang timbre pa lang pagkanta,” giit naman ni Gloc-9. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with