^

Police Metro

Abogado ni Atong ipinababasura obstruction of justice complaint

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Abogado ni Atong ipinababasura obstruction of justice complaint
Charlie “Atong” Ang files criminal charges before the Mandaluyong City Prosecutor's Office on July 3, 2025 against Julie “Dondon” Patidongan and Alan Bantiles for false accusations related to the case of missing sabungeros.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinababasura ng abogado ng negosyanteng si Chalie “Atong” Ang na si Atty. Caroline Cruz ang reklamong obstruction of justice na inihain laban sa kanya at sa iba pang respondent ng ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero sa Department of Justice (DOJ).

Ayon sa legal counsel ni Cruz na si Atty. Isabella Sabio, mali at walang sapat na batayang legal ang reklamong isinampa laban dito.

Aniya, ang mga pagpupulong ni Cruz sa mga kaanak ng mga nawawalang sabungero noong Marso at Abril ay isinagawa sa kahilingan mismo ng mga ito.

Nagbigay lamang ng tulong pinansyal si Cruz sa ilang pamilya ng mga biktima upang makatulong sa kanilang pamasahe at pagkain, ngunit iginiit na ito ay kusang-loob na ibinigay at walang anumang kapalit.

Sinabi ni Sabio na nakatakda umanong ilahad ng kanyang kliyente sa tamang pagkakataon at sa pamamagitan ng mga ebidensya at testimonya ng mga saksi, ang tunay na dahilan kung bakit nakipag-ugnayan sa kanya ang tatlong complainant. Sa kasalukuyan, nakabinbin pa rin sa Department of Justice ang naturang reklamo habang nagpapatuloy ang paunang imbestigasyon.

DEPARTMENT OF JUSTICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with