^

PSN Showbiz

Paulo, hindi normal ‘pag kinikilig

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Paulo, hindi normal �pag kinikilig
Paulo Avelino at Kim Chiu
STAR/File

Aminado si Paulo Avelino na talagang kinilig siya sa mga eksenang ginawa nila ni Kim Chiu sa pelikulang My Love Will Make You Disappear. Ginampanan ng aktor ang karakter ni Jolo sa naturang proyekto mula sa Star Cinema.

Mapapanood na sa mga sinehan simula March 26 ang pinakabagong pinagtambalan ng KimPau. “There were a lot of times. Not for anything, pero minsan kasi kailangan as an actor. Kailangan totoo ‘yung nararamdaman n’yo eh, ‘yung nilalabas n’yong emosyon. Para ‘pag pinanood ng mga tao, maniwala sila sa gusto n’yong ipakita sa kanila. Sa eksena kasi nangyayari ‘yon eh. Siyempre sa eksena, tinitingnan mo talaga ‘yung kanino ka nalilinya,” paliwanag ni Paulo.

Ayon sa aktor ay hindi normal na kiligin siya sa tunay na buhay. Para kay Paulo ay natural lamang sa mga kalalakihan na hindi masyadong nakararamdam ng ganito dahil sa pagmamahal. “Sa amin kasing mga lalaki, hindi ko alam kung paano i-explain ‘yung kilig sa amin. Ewan ko, siguro ‘pag nakikita ko sa baunan ni Kim na may gulay at may halong karne,” natatawang pahayag niya.

Tatlumpu’t anim na taong gulang na ngayon si Paulo. Sinisikap umano ng aktor na mapanatiling maganda ang pangangatawan. “The first thing I do in the morning is work out. Saka lagi kong sini-stress na lately ko lang natutunan. Okay pala na balansehin ‘yung work at saka ‘yung pahinga. Kailangan hinahanapan talaga ng tamang balance para makaiwas sa stress,” pagbabahagi ng aktor.

Glaiza, may rebelasyon sa gagawin ni Angelica

Ikinagulat ni Glaiza de Castro ang napabalita kamakailan na isa siya sa magiging housemates para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Nagsimula ito dahil sa panghuhula ng netizens nang ilabas ang mga larawan na kita ang parte lamang ng mukha ng Kapamilya at Kapuso housemates. “Oo nga, nagulat ako actually. No’ng nakita ko ‘yung mga pictures, sabi ko, ‘Oo nga ‘no?’ Parang kahawig ko nga ‘yung half ng mukha, tapos blonde. Eh may phase ako na naka-blonde ako. Tinitingnan ko rin ‘yung feed ko. Tina-try kong i-guess kung sino ‘yung iba. Ang hirap din talaga (hulaan),” nakangiting kwento ni Glaiza sa ABS-CBN News.

Maging ang make-up artist ng aktres ay inakalang si Glaiza ang isa sa mga papasok sa Bahay ni Kuya. Ang larawan ng singer na si Klarisse de Guzman ang napagkamalang si Glaiza ng ilang netizens. “Nag-message sa akin. Sabi niya, ‘Daughter, congratulations. Papasok ka pala sa bahay ni Kuya.’ Sabi ko, ‘Huh? Saan nanggaling ‘yun?’ Hindi po ako, si Klarisse po iyon, surprise. If ever man. Parang masaya rin siyang idea. Ibang challenge siya,” dagdag pa ng Kapuso actress.

Samantala, masaya si Glaiza para sa kaibigang si Angelica Panganiban.

Unti-unti nang nagbabalik ang Kapamilya actress sa trabaho pagkatapos magkaroon ng sariling pamilya.

Matatandaang sumailalim din si Angelica sa hip replacement procedure noong isang taon dahil sa avascular necrosis. “Excited ako for her. Meron siyang isang napaka-exciting na proyektong gagawin. Magsisimula na talaga siya very, very soon. Na-miss din kasi siya ng mga tao eh. Medyo matagal-tagal din siyang nag-focus sa pagiging ina. Pero no’ng kinuwento niya sa amin ‘yung gagawin niya, na-excite kami kasi sobrang really different. First time niya itong gagawin,” paglalahad ni Glaiza. (Reports from JCC)

KIM CHIU

PAULO AVELINO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->