^

Metro

4 ‘tulak’ timbog sa drug buy-bust sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
4 �tulak� timbog sa drug buy-bust sa Caloocan
Sa report na isinumite ni Caloocan Police Chief PCol. Ruben Lacuesta, kay Northern Police District Director PBGen. Rizalito Gapas, ang mga suspek ay  kinilala sa mga pa­ngalang alyas Mark, 22 at alyas Juliana, 21, kapwa ng San Jose Del Monte, Bulacan at alyas Jonjon, 34, at alyas Jeff, 37, kapwa ng Quezon City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Apat na mga drug suspects ang nadakip ng Caloocan City Police sa magkakahiwalay na buy-bust operations na umaabot sa mahigit P900,000 sa lungsod kamakalawa ng umaga.

Sa report na isinumite ni Caloocan Police Chief PCol. Ruben Lacuesta, kay Northern Police District Director PBGen. Rizalito Gapas, ang mga suspek ay  kinilala sa mga pa­ngalang alyas Mark, 22 at alyas Juliana, 21, kapwa ng San Jose Del Monte, Bulacan at alyas Jonjon, 34, at alyas Jeff, 37, kapwa ng Quezon City.

Ayon kay ­Lacuesta, nagsagawa ng beripikasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa impormasyong bentahan ng illegal na droga sa Phase 10, Brgy., 176, Bagong Silang na kinasasangkutan nina alyas Mark at alyas Juliana.

Dakong alas-10:35 ng umaga nitong Bi­yernes nang kalawitin ng mga pulis alyas Mark at alyas Juliana sa aktong nakikipagtransaksiyon.

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong kilograms ng pinatuyong dahon ng marijuana na may Standard Drug Price (SDP) value na P840,000.00.

Samantala, dakong alas-10:22 naman ng gabi ng Huwebes nang arestuhin ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy-bust ­operation sa Sampaguita St., Barangay 156, sina alyas Jonjon at alyas Jeff.

Narekober naman sa mga ito ang nasa 21.20 grams ng shabu na may katumbas na halagang P144,160.00 at buy-bust money.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with