Meryll, na-excite sa comeback ng amang si Willie

MANILA, Philippines — Isa si Meryll Soriano sa natuwa nang mabalitaan niyang posibleng bumalik sa paggawa ng pelikula ang kanyang amang si Willie Revillame.
Isa ito sa napag-usapan namin ni Meryll nang makatsikahan namin sa media conference ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na Delivery Boi.
“Nakita ko ‘yung picture. Siyempre na-excite ako ‘di ba? Kung saka-sakali dahil parehas kaming nasa GMA,” bulalas niya.
Sana raw matuloy kung ano man ang plano ng GMA Pictures na pelikulang posibleng gagawin ni Willie.
Naniniwala si Meryll na marami pa ring supporters ang kanyang ama na tatangkilik sa mga susunod na project nito. “I’m very excited kung sakali man. And you know, people will always miss Papa. Whatever happens, he will always have an audience and following.
“So, excited ‘yung mga taong nagmamahal sa kanya I’m sure,” saad ni Meryll.
Tinanong namin ang aktres kung mas gusto ba niyang maging artista na ang kanyang ama kesa mag-produce ng game show, kagaya ng Wowowin o Wilyonaryo.
Ani Meryll, “Alam mo naman si Papa, napaka-talented nu’n. Kahit saan mo man ilagay yun, he will always excel. Because ano... he loves his work.
“Kahit saan mo man siya dalhin e. He will always excel because grabe talaga siya mag-work – ‘yung respeto niya sa trabaho, respeto niya sa craft. Kaya no doubt na hindi magiging successful ‘yun.”
Hindi pa raw niya nakausap ang kanyang ama, pero masaya raw siya nung nakita ‘yung picture na medyo lumusog ito.
“Well-rested ‘di ba? Halatang-halata!” bulalas ng aktres.
“Basta kung saan siya masaya. And Papa is always happy working, you know. And masaya ako na nakapagpahinga siya. Alam ko nasa puso niya ang pagtatrabaho, kasi talagang ‘yun talaga ‘yung kinasanayan niya.
“I’m sure, it was very difficult for him at first. Pero right now, naniniwala naman ako na nakatulong sa kanya ang pagpapahinga, ‘di ba?
“At least, na-experience niya rin ‘yung ganun kahabang pagpapahinga because he deserves to rest also,” sabi pa ni Meryll Soriano.
Samantala, excited si Meryll dito sa Delivery Boi dahil napasabak daw siya sa comedy.
“Comedy talaga siya! Sabi ko, na-miss ko mag-comedy.
“Ngayon, nahirapan ako. Grabeng nakakapagod! Pero I’m very happy.
“I’m really happy to be doing comedy naman this time,” natatawa niyang pahayag.
Pinupuri niya ang bidang si Will Ashley na nakitaan daw niya ng galing sa pag-arte.
“Magaling si Will. Si Mika (Salamanca) kasi hindi pa kami nagkatrabaho. Pero magkakilala na kami.
“Pero si Will, I can vouch na he’s very good talaga,” tugon nito.
Magsisimula na ang Delivery Boi sa Oct. 19 pagkatapos ng Born To Shine.
- Latest



















