^

Pang Movies

Dennis, napikon kay Gelli!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Sinagot ni Dennis Trillo ang pahayag ni Gelli de Belen sa show na Chika Cart.

Sabi kasi ni Gelli, “Hindi kailangang maging ganito kalaki kasi the reason why this was brought up was because nasasaktan ‘yung anak ni Patrick...

“Sana ‘wag nating kalimutan na may mga batang pinag-uusap at ‘yun naman sila talaga ang pinaka-importante dahil ‘yung mga magulang, mga nakakatanda nakapag-move on na sila sa mga buhay nila. So sana let’s show the young ones what is right, what should be done, and not show them all these bad stuff.”

Sinundan pa ng “I cannot say for a fact na I would say think that it was necessary or not kasi hindi ko naman alam ang pinagdadaanan ni Patrick. Hindi ko naman alam ang pinagdadaanan ng anak niya. If that were me, probably  I’ll deal with it differently or maybe still agree to an interview. Pero be more... I don’t know, I cannot. ‘Di ako alam ang gagawin ko eh kasi wala ako sa posisyon niya, mahirap.

“Ama siya eh, hindi mo makukuwestiyon kung  ano ang pagmamahal ng magulang. So kung anuman ang ginawa niya sa pangalan ng pagtatanggol sa kanyang anak, mahirap din  namang i-judge.

Habang sinasabi ito ni Gelli, ipinakita ang photo ni Dennis na dala ang red tote bag na may nakasulat na “Not Today Satan.”

Sagot ni Dennis, “@gellidebelen nananahimik kami... lahat yan ay natural na reaksyon ng matinong TAO! Pasalamat kayo, dinaan ko nalang sa ganyan. Oo kawawa talaga mga bata, may mga anak din kami! Sisihin mo yung nagsimula ng gulo!”

Sinundan ng isa pang sagot, “Ako lang ba o parang may kinakampihan ang mga magagaling na ito? Congrats sa new show sa GTV!!!! Bagay na bagay kayo jan.”

Tinag ni Dennis si Gelli and by now, nabasa na siguro ni Gelli ang sagot sa kanya ni Dennis.

Tsinek namin ang Instagram account nina Patrick Garcia, wife niyang si Nikka Garcia at IG account ng sister ni Patrick na si Chesca Garcia-Kramer at husband nitong si Doug Kramer at tama nga ang balita, limited ang puwedeng mag-comment sa post nila dahil pa rin sa interview ni Patrick Garcia kay Ogie Diaz.

Gaya ng nasabi na naman, the issue is getting bigger and uglier! Ang dami nang nadadamay at marami pa ang magku-comment.

Mavy, papalitan ni Michael?!

Bukas Lunes, malalaman na kung totoo ang balita na hindi na babalik bilang isa sa hosts ng Pinoy Big Brother si Mavy Legaspi. Si Michael Sager na raw ang papalit kay Mavy at kaya ito lumutang dahil sa post sa Instagram account ng PBB.

Nakasulat ang “BAGONG SIMULA. Kapuso at Kapamilya, sama-sama tayo sa BAHAYnihan ni Kuya kasama sina Bianca, Robi, Gabbi, Melai, Enchong, at Alexa.

“At may bago tayong makakasama sa Bahay ni Kuya.

“Abangan kung sino ngayong Lunes!”

Mapapansin sa announcement post ng PBB na hindi binanggit si Mavy at siya dapat ang kasama ni Alexa Ilacad sa pagho-host ng isang segment ng PBB. Pero, malay natin at ipakilala rin siya bukas.

GELLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with