^

Probinsiya

Robbery groups sa Central Luzon, binuwag ng PRO 3

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang paniniwala ng Police Regional Office 3 (PRO 3) na hindi na makakapag-operate ang papasibol na robbery group sa Bataan, Olongapo, at Zambales matapos nilang mabuwag ang mga ito.

Nabatid na sinalakay ng PRO3 sa pamumuno ni PBGen. Jess Mendez ang hideout ng mga suspek sa Castillejos, Zambales, kasunod umano ng panghoholdap nila sa isang gasolinahan.

Sinabi ni Mendez na pitong iba’t ibang kalibre ng baril, mga bala, at isang granada ang nakum­piska habang apat na suspek ang naaresto.

Ayon kay Mendez, nagsimula ang grupo sa mga maliliit na krimen gaya ng snatching at holdup sa kalsada hanggang sa lumaki ito, pero sa tulong ng intelligence-driven operation ay isa-isa nang nahuli ng pulisya ang mga miyembro nito.

CENTRAL LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with