Franseth, level up na ang relasyon

Finally ay nag-level up na ang loveteam nina Francine Diaz at Seth Fedelin dahil pumayag na silang magkaroon ng kissing scene sa kanilang latest project, ang micro-drama series na A Cake to Remember.
Siyempre, super-kilig ang FranSeth fans lalo pa nga’t first kissing scene iyon ng dalawa.
Sa tsikahan ng press kahapon sa magka-loveteam ay natanong nga sila kung posible bang magkaroon pa sila ng mas daring na eksena.
Sey ni Francine, “siguro po kung gagamitin ‘yung word na ‘daring,’ baka maging too much to describe it, ‘yung next step.”
Dagdag niya, “Siguro, mas ano lang po, mas magiging courageous kami to take on roles na daring for us, individually and na magkasama. Pero in terms of doing kissing scene with each other, hindi pa po namin alam ‘yun sa ngayon if kayang i-take po sa next level na.”
Aminado naman si Seth na medyo may pressure rin ito sa kanila dahil karamihan daw sa fans nila ay mga bata kaya kailangan ding maging maingat sila sa ganitong bagay.
Sey pa ng aktor, “kailangan po ba naming sumabay sa mga daring? Kailangan po ba naming magpakita ng kung anong gusto nilang makita?”
Of course, gusto rin nilang maging versatile actor/actress pero lahat daw ‘yan ay dapat nasa plano.
“At hindi rin po namin kaya ‘yun kaya that’s why may Star Magic po na gumagabay sa amin, nag-a-ask kami kung okay po ba ‘to,” ani Seth.
Alex, may bagong impormasyon sa panganganak
Inilantad na ni Alex Gonzaga ang pangalan ng first baby nila ng mister na si Mikee Morada.
Sa kanyang latest Instagram ay nag-upload siya ng family photo nilang tatlo pati na rin ang close-up photo ng baby boy.
Sa caption ay ini-reveal niya ang full name ng kanilang sanggol na si Isaac Gerard G. Morada.
Ibinahagi na rin niya ang date kung kailan siya nanganak dahil sinabi niyang exactly one month ago which means Aug. 8. “Hindi na ’to AI, totoo na ’to hehehe.
“Exactly one month ago, we finally met our baby boy, Isaac Gerard G. Morada.
“Thank you Jesus, for a successful CS delivery and for giving us our answered prayer, our son Isaac,” caption ni Alex.
- Latest






















