IGAN cup, 23 years na!

MANILA, Philippines — Nagbabalik ang pinakamatagal na Celebrity Golf Tournament sa bansa, ang IGAN Cup. This year ay 23rd year na ang IGAN Cup.
Gaganapin ito sa Eastridge Golf and Country Club sa Binangonan, Rizal.
Sa pangunguna ng Foundation founder at president na si Arnold “Igan” Clavio, ang taunang torneo ay naging isang pangunahing tradisyon na nagbubuklod sa civic-minded golfers, celebrities, media personalities and corporate para sa isang araw ng friendly competition with a profound social impact.
At habang nasa final stretch of preparations, nanatili silang naka-focus sa kanilang core mission: “Fore! A Cause… Fore! D’ Kids.”
Ang kikitain ngayong taon ng tournament ay direktang mapupunta sa dumaraming nangangailangan ng medical and financial assistance para sa young beneficiaries, particular na sa mga kabataang nakikipaglaban at nasa critical medical conditions tulad ng juvenile diabetes.
Sa mahigit na dalawang dekada, napatunayan ng the iGAN Cup na ang paglalaro golf ay isang powerful vehicle para sa pagbabago at pagtulong sa mga nangangailangan na hindi gaanong nabibigyan ng pansin.
At sa nalalapit na 23rd year nito, ipinapaabot ng Foundation ang taos-pusong pasasalamat nito sa mga patuloy na sumusuporta sa kanila na nagbibigay umano ng mahalagang tulong at panibagong pag-asa para sa isang batang nangangailangan ng medical care.
At this year, mas may dahilan ang mga sasali, with incredible Hole-In-One prizes up for grabs courtesy of our generous partners: P100,000 worth of Free Play sponsored by Casino Filipino, One (1) unit of brand new GetGo-2 seater standard golf cart, One (1) Triumph Scrambler 400x Motorcycle by Autohub Group, P100,000 worth of 3 Strokes merchandise and P100,000 worth of K & G Certificates.
Ang tournament ay mayroong double shotgun format. There will be morning flights at 6:00 a.m. and afternoon flights at 12:00 p.m. The day will conclude with an exclusive awards and fellowship ceremony celebrating environmental champions, distinguished participants and dedicated sponsors.
For inquiries and other details, contact 0906-5078075 at 02-84753199.
- Latest
























