^

Pang Movies

Matet, tinantanan ng bashers sa pa-throwback

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Matet, tinantanan ng bashers sa pa-throwback
Matet

Walang nam-bash kay Matet sa Facebook post niya ng old photo nila ng late mom niyang si Nora Aunor at mga kapatid na sina Lotlot, at Ian de Leon. “We miss you ma,” ang caption niya sa post.

Sa photo, baby pa si Matet at karga siya ni Guy at nasa tabi ni Guy sina Ian at Lotlot na bata pa at parehong nakangiti.

May nag-comment ng “Bravo Matet memories na lang i-post mo ‘wag mga bagay na nakakasira sayo pray lang na magkaroon ka ng wisdom at peace of mind. Wag muna patulan mga bashers baka maging ka level mo lang sila important faith kay God.”

May mga nalungkot naman dahil sa old photos na lang daw nagkakasama ang magkakapatid at nakikitang pare-parehong nakangiti. Nitong mga nakaraang araw nga naman ay nagsasagutan ang magkapatid, bagay na ikinalungkot ng mga nagmamahal sa kanila.

Ang wish ng mga Noranians, magkaayos na sina Lotlot, Ian, at Matet at sana raw, hindi na lang nila isina-publiko ang kanilang away alang-alang sa pumanaw nilang ina.

ogie, kabado sa musical cOllab sa viva

Nakipag-meeting si Ogie Alcasid kay Mr. Vic del Rosario at sa caption ng post nito, malalaman ang rason ng meeting.

“Ty boss/ninong vic for the dinner! Tita Baby Gil and Patty also for joining us. Musical for next year is on! I am beyond excited and at the same time so very scared. Let’s do it!!!”

Marami na agad ang nag-comment na excited na sila na mapanood ang musical na gagamitin ang komposisyon ni Ogie and finally, mapapapakinggan at mapapanood na ang magagandang awitin na kanyang sinulat.

Kasama ni Ogie na nakipag-meeting kina Boss Vic at Baby ang asawang si Regine Velasquez at kasunod nito ang wish ng mga fans na sana, magkaroon din ng musical ang songs si Regine. Siguro naman, hindi bibiguin ng Viva at ni Boss Vic ang mga fans ni Songbird, he will make it happen.

Andrea, ginawang consultant ang kapatid

Doctor ang isang kapatid ni Andrea Torres kaya kumukonsulta siya rito para sa role niya sa medical series ng GMA-7 na Code Gray. Kabilang dito ang right pronunciation ng medical jargon at mga tamang kilos ng isang doctor.

Kahit nagkaroon sila ng workshop at immersion sa loob ng hospital at kahit may consultant sila sa set, kapag she is in doubt, nagtatanong pa rin si Andrea sa kanyang kapatid. Mahirap nga naman ma-bash lalo na at medical series ang kanilang ginagawa.

Sa interview sa 24 Oras, nabanggit ni Andrea na nagsusuportahan sila ng kanyang co-stars dahil nga challenging ang kanilang roles. Nakatutulong din na maganda ang working relationship nila at kuwento nito, after ng take, pinagkukuwentuhan nila ang mga eksenang nakunan.

First time magkakasama sa series sina Andrea at Alden Richards at kung sila man ang magkapareha, looking forward na ang mga fans to see kung ano ang i-o-offer nila sa viewers bilang magkatambal.

Ang sabi, this year na ang airing ng Code Gray at wish ng mga fans, sana more hospital drama ang kanilang mapanood at bawasan ang family drama ng bawat karakter.

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with