^

PSN Showbiz

White party, pinatingkad ni Vice!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
White party, pinatingkad ni Vice!
Vice Ganda.
STAR/ File

Bonggang-bongga ang pagbabalik ng White Party Manila pagkalipas ng 12 taon noong Sabado ng gabi ginanap sa World Trade Center.

Dinagsa ito ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community na naka-all-white outfit na pabonggahan. Awra kung awra sila.

Pero pinatingkad ang selebrasyon ng pagdalo/pagrampa nina Vice Ganda, Janella Salvador, John Lapus, Ice Seguerra, Kelvin Miranda, KaladKaren, Liza Diño, Chie Filomeno, Ron Angeles, Mimiyuuuh, Kirk Bondad at marami pang iba.

Ang Mentorque Productions ang nag-organisa ng malaking event na ito katuwang ang Love Yourself, Inc.

Winner na winner din ang runway presentation na ang tema ay ‘wear your pride with confidence’ na suot ang mga creation ng mga sikat na fashion designer tulad nina Bang Pineda, Neric Beltran, Job Dacon, Manny Soriano, Jhobes Estrella, ALSR Lumawag, Franco Salvatorre, Jamie Olinan at Rye Martin.

Umeksena rin ang mga drag queen na sina Marina Summers, Precious Paula Nicole, Corazon, Holemn Cheque, Popstar Bench, na ang ang Fire & Ice nina Liza at Ice ang nag-handle ng presentation.

Pinasaya naman ang selebrasyon ng pagtatanghal nina Maki,  Ben&Ben, Gloc 9, pati na ng grupong Yes My Love.

Pero nagdagdag ng saya ang performance ng SexBomb.

“Sa lahat ng mga naging bakla dahil sa amin, kayo po ay inspirasyon ng SexBomb. Without you, walang SexBomb. Thank you so much!” sabi ng SexBomb na hindi kumpleto ang miyembro.

Pero kumbaga, si Vice talaga ang patron ng mga miyembro ng LGBTQIA+ na talagang kinarir ang pagrampa suot ang isang mala-paru-parong concept ng gown habang may kasama na kabayong disenyo na sinuot ng dalawang model habang si Vice ay may pailaw sa mga paru-paro sa gown habang lumiliyad-liyad.

“Happy pride madlang pipol! Happy pride sa lahat ng malaya, sa lahat ng nag-a-attempt pang lumaya, sa lahat ng mga hindi pa pinapalaya, pero nagdarasal na makalaya na. Happy pride sa ating lahat.

“Happy pride sa lahat ng mga nagmamahal sa LGBTQ+++ community, sa lahat ng mga kamag-anak, pamilya, magulang, kapatid at kaibigan ng ating komunidad, binabati ko kayong lahat,” umpisa ni Vice Ganda.

Kasabay nito ay ini-announce na ng CEO ng Mentorque Productions na si Mr. John Bryan Diamante ang donasyon na P1M sa Love Yourself  na si Vice Ganda nga ang nag-present sa lider ng grupo.

Binigyang-diin naman ni John Lapus ang Right to Care Card na inumpisahan ng Quezon City Government sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte na isa sa kinilalang LGBTQ +++ ally kasama sina San Juan Mayor Francis Zamora, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano and Manila Mayor Isko Moreno.

Sa kabuuan, isang matagumpay ang pagbabalik ng White Party Manila.

VICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with