^

Probinsiya

P82.7 milyong puslit na yosi samsam sa Isabela

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P82.7M halaga ng pinaghihinalaang smuggled na sigarilyo na hinihinalang mga Chinese nationals ang nasa likod ng sindikato ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang magkasanib na enforcement operation sa isang hotal sa Cauayan City, Isabela.

Sa ulat kahapon ng Isabela Provincial Police Office (PPO), isinagawa ang operasyon ng mga elemento ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Cauayan City Police Station at iba pang ahensiya ng gobyerno base sa BIR Mission Order noong Huwebes.

Bago ang operasyon, nakatanggap ng impormasyon ang Cauayan City Police Station hinggil sa illegal na pagbebenta at distribusyon ng mga pinaghihinalaang puslit na sigarilyo. Sa isinagawang pag-iinspeksiyon sa dalawang kuwarto sa hotel ay nakumpiska ang 202 kahon na naglalaman ng mga smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng P82,713,366.52.

Ang operasyon ay sinaksihan ng may-ari ng hotel na tinukoy lamang sa alyas na “Willy”. Ilang indibidwal ang iniimbestigahan na pinipigil ang iniimbestigahan.

Isinailalim na sa kustodya ng BIR Regional Office 2 ang mga nakumpiskang puslit na sigarilyo para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso.

ISABELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with