^

Police Metro

Mga estudyante total ban sa paggamit ng cellphone sa Cebu  

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpatupad na ng total ban sa paggamit ng cellphone ang bayan ng Dumanjug sa lalawigan ng Cebu, upang maiwasan ang mga bayolenteng insidente.

Sa isang television interview at website ng pamahalaang bayan ng Dumanjug, sinabi ni Mayor Gungun Gica na pinulong na niya ang lahat ng mga pinuno ng mga eskuwelahan partikular na ang mga prinsipal sa kaniyang bagong mandato na sinumang estudyanteng mahuhuli na nagce-cellphone sa oras ng klase ay kukum­piskahin ito.

Ang hakbang ay kasunod ng malagim na insidente sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte sa pamamaril ng dalawang estudyanteng menor-de-edad na ikinasawi ng tatlong na estudyante habang nasa 20 pa ang nasugatan.

Ayon sa alkalde, sinumang mahuhuling gumagamit o may dalang cellphone ay papatawan ng kaukulang kaparusahan alinsunod sa alituntunin ng paaralan.

Maging ang mga internet cafés ay mahigpit na imo-monitor kung saan ang mga Grade 10 students pababa ay papayagan lamang dito hanggang alas-8:00 ng umaga.

Ang iba pang mga menor-de-edad ay hanggang alas-10:00 lang ng gabi papayagan sa mga internet cafes at kaila­ngang tiyakin na proyekto o may kinalaman sa mga aktibidades sa eskuwela ang ginagawa ng mga ito.

TOTAL BAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with