Namatay sa M7.8 lindol sa Mindanao nasa 47 na - NDRRMC

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 47 katao ang naiulat na nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes.
Kabilang sa naitalang mga nasawi ay 35 sa SOCCSKSARGEN at 12 naman mula sa Davao Region.
Habang sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region XII ay nasa 53 na ang mga nasawi pero ang nasabing data ay wala pa sa rekord ng NDRRMC.
Ibinahagi rin ni NDRRMC Executive Director at Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Harold Cabreros, nasa 346,449 katao o katumbas na 75,324 pamilya ay mula sa SOCCSKSARGEN, Davao Region, Zamboanga Peninsula at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naapektuhan.
- Latest















