73-anyos street sweeper sinuwag ng motor, patay!
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dead-on-arrival sa hospital ang isang 73-anyos na lolo na street sweeper matapos aksidenteng mabangga ng motorsiklo habang nagwawalis sa kalsada ng Brgy. Rawis, Legazpi City, Albay kamakalawa ng madaling araw.
Sinubukan pang isugod sa Bicol Regional Hospital and Medical Center ang duguan at walang malay na biktima na kinilalang si Lolo Franco pero hindi na umabot nang buhay dahil sa pinsala na tinamo. Sa ulat, ala-1:40 ng madaling araw habang nagwawalis ang matanda sa kahabaan ng highway ng naturang barangay nang masalpok ng motorsiklo ng rider na nakilalang si Danny, isang electrical engineer.
Sa lakas ng pagkakabangga ay kapwa tumilapon ang biktima at ang rider sanhi ng kanilang pagkakasugat.
Kapwa duguang isinugod sa pagamutan ang lolo at nakabanggang rider kung saan idineklarang dead-on-arrival ang matanda.
- Latest