MMFF passes, ginawang negosyo ng ibang binigyan
Naloka naman ako na may mga nagbebenta ng Metro Manila Film Festival passes. Eh ang linaw-linaw na nakasaad doon na ‘strictly not for sale’ ‘yun.
Ganun na ba ang ibang binibigyan ng passes? Ganun ba kahigpit ang pangangailangan nila?
At ang mas nakakaloka, nagbebenta pa sila sa ilang social media platforms?
Pero dahil hinigpitan ng MMFF executive committee, nadiskubre rin naman daw nila ang mga nagbebentang ito na binigyan nila dahil may control number.
Mga kapalmuks ang mga ganun noh.
Binigyan na, binenta pa.
Sa social media pa. Pambihira.
Paano pa makakabangon ang industriya ng pelikulang Pilipino?
Merong nagpa-pirate, meron namemeke ng passes.
Lahat talaga may paraan tayong mga Pinoy.
Klima sa bansa, mas malamig ngayong buwan
Wow ang lamig sa Baguio.
Hahaha. Nabasa ko lang na bumagsak sa 14.4 degrees Celsius ang temperature sa Baguio, kahapon, Miyerkules.
Asahan daw ang mas malamig na panahon ngayong Enero dahil inaasahang lalakas ang northeast monsoon sa ibang bahagi ng bansa.
Bongga, kung nakakabiyahe lang sana ako sa Baguio.
- Latest